8

16.4K 528 4
                                    


Pakiramdam ko ang haba ng bakasyon ko. Kahit lagi akong inaasar ni Dani, maasikaso naman siya kahit papaano. Minsan nga lang pala utos talaga siya. She's a brat!



Nasa rest house parin kami at nasa soccer field sila sa likuran ng bahay. Naka jersey tshirt siya at nakatali ang buhok na mataas. Ang iksi din ng black shorts niya at ang hahaba ng legs. She is really pretty.


"Ang ganda ng gf mo nuh." biglang sabi ni Mikaela sa tabi ko. Ngumiti lang ako at kabado na baka magtanong siya at mali ang maisagot ko.


"Alam mo ngayon lang uli naging masaya yan si Dani. Dati halos pag nagkikita kami iba iba ang babaeng kasama niya, lahat flings. Yong alam mong ang bigat ng dalahin niya, bihira siyang makipagkulitan." sabi naman ni Juliet. "She became womanizer, when the person she likes the most turned her down."

Si Dani nareject?

Parang imposible, mapa babae o lalake pinagkakaguluhan siya.

"Haaay, ano bang mali sa akin at hindi niya ako mapansin pansin?" buntong hininga ni Vera.



Napaka transparent ni Vera, kahit ako naman nagtataka din kasi ba naman ang ganda ganda niya eh.

"Guys kila Nicholas ang bet ko." sabi ni Juliet.


"Kila Dani ako!" sabi ni naman ni Vera.


Ang magkakakampi ay sila Dani, Gabby at Hellen tapos, Gerald, Nicholas at Homer.



Ang gagaling nilang lahat. Akala mo din napapagod sa katatakbo at kasisipa. Hindi mo akalaing mga lalaki ang kalaban nila Dani dahil lagi silang Goal kahit 3v3 lang.



Nakakatuwa silang panuorin.



"Woooh! Galing!" Sigaw ni Vera.



"Tsk! Wala talaga tong mga lalaki na to."



Matapos ang laro ay lumapit na sila at ang laki ng ngiti nila Dani. Lumapit agad si Vera kay Dani at pinunasan ang pawis nito.


"Ey, thanks." sabi ni Dani at kinuha nito ang towel mula kay Vera. Si Hellen naman naupo na sa tabi ko.

"Gusto mo ng tubig?" tanong ko sa kanya.

"Sure, thanks." nakangiti nitong sabi sabay kuha ng tubig. Nagulat naman ako nang bigla akong ninakawan ni Dani ng halik sa labi. >.< napapadalas na siya sa kakahalik.

"Kapagod.." sabi nito saka ko inabutan ng tubig. kinuha niya ito at binuhos sa mukha niya. She looks hot! NO ERASE ERASE!

"Punasan mo pawis ko." utos niya. Inirapan ko lang siya at kinuha ang towel para punasan ang pawis niya sa likod.


"Magpalit ka na." sabi ko dito.

Bigla ba naman akong niyakap eh ang tindi ng pawis niya.



"DANI! Ano ba ang kulit mo nanaman!" reklamo ko dito.

"Mabango naman ako kahit puro pawis eh." nakanguso niyang sabi.



"Edi wow!" sabi ko dito pero tinutulak ko siya pero ang lakas niyang dambuhala at nakayakap parin sa akin. Sa pagpupumiglas ko napahiga na pala kami sa damuhan at nakapatong siya sa akin. Damn! Kailan ba titigil ang puso ko sa ganito kalakas na pagtibok. Daig ko pa ang may palpitations.


Napansin kong nakatingin siya sa lips ko at kahit ako ay di ko maiwasang tingnan ang pinkish lips niya. Ilang beses na ba niya akong nahalikan?



The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon