Nasa trabaho na ako ngayon at kabado akong ipasa ang resignation letter ko. Mamimiss ko din ang mga kaibigan ko dito.
"Zel! Kamusta RD?" Agad na tanong ni Jelly.
"Ayos naman." Ngiting sagot ko. Nakita nila ang hawak kong papel at kinuha yon.
"Seriously? Magreresign ka? WTF happened? Bakit mo kami iiwan?" masungit na tanong ni Nikka.
"Sorry guys biglaan lang talaga." nahihiya kong sabi. "Magrerender naman ako. Saka syempre paparamdam naman ako eh."
"Haays, kala ko may forever tayong lima, wala din pala. Sigurado may susunod na magreresign sayo." Sabi naman ni Dina.
"Well, wala naman na kaming magagawa pa. Ganyan sa cc, people come and go." sabi naman ni Minnie.
"Sorry na guys, ganito nalang, bago ako umalis ililibre ko kayo." nakangiting sabi ko sa kanila.
"Mabuti naman!" masayang sabi nilang apat. Natawa nalang ako. Kahit kailan talaga silang apat ang bilis magbago ng mood basta libre.
Siya namang dating ng TL namin at nahihiya akong iabot ang resignation letter.
"Hindi ko ito tatanggapin." nakataas na kilay niya pang sabi at pinunit ang resignation letter ko. Natawa naman ang mga kasama ko. Expected ko na yon kaya lima ang ginawa kong letter hehehe.
"TL naman."
"Kala ko ba magpapapromote ka? Bakit ata biglaan ang pag alis mo? Anong work to saang cc ka lilipat?" masungit na tanong niya.
"TL, di cc yan. Ano kasi..uhmm private work, ang laki kasi ng offer na di ko matanggihan. Sorry talaga alam mo naman boss na kailangan ko talagang makaipon." explain ko sa kanya.
"Nanghihinayang ako sayo. Ramdam ko malayo ang mararating mo sa companya na to."
"TL, sorry na talaga. Matindi kasi ang pangangailangan. Isang taon lang naman at babalik ako dito."
"Sa isang taon na yan siguradong malayo na narating mo. Sayang talaga kasi eh. Magaling ka kasi. Pero syempre desisyon mo naman yan at wala kaming magagawa. Basta kung babalik ka cc, dito ha."
"Oo naman TL, 2 weeks pa naman akong magrender." ngiti ko sa kanya.
"Sus! 2 weeks. Mag pakain ka ha!"
"Oo next week! Promise!" natatawa kong sabi.
"Aba! Akala ko ba nangangailangan ka at bakit manlilibre ka?" nakataas kilay nito.
"May signing bunos kasi TL." nakapeace sign pa ako. Inabot ko sa kanya ang extra letter ko at tinanggap naman niya.
Hay mamimiss ko talaga sila. Close kasi kami sa team at open sa isat isa. Debale may social media sites naman at siguradong hindi naman mawawala ang communication namin.
=======
"OUT na!" masayang sabi ni Jelly.
Sabay sabay na kaming nagsipuntahan sa mga lockers namin at nagkukwentuhan ng mga naging calls. Ako naman ito nakikitawa lang sa kwento nila. Wala naman gaanong maganda sa calls ko, normal lang. Pinagkukwentuhan namin kung gaano ka sungit ang customer ni Minnie na nanggagalaiti at nagsisigaw.
Hanggang sa elevator sige kaming tawanan. Nakatingin naman ako sa cellphone ko habang nakikitawa dahil nagmemessage ako sa kapatid ko gamit ang facebook.
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
DragosteThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...