24

15.9K 406 2
                                    

Natatakot din ako na lumayo siya sakin. Kita ko sa mukha niya ang pagkalungkot at matalim na tingin kay Dani. Mag ex sila at alam ko na kilala nila ang ugali ng isa't isa. Minsan naiisip ko paano kaya sila pala talaga ang magkatuluyan.

"Babe?" tawag ni Dani sabay hawak sa balikat ko. "Gusto ko ako lang iniisip mo." nakabusangot na sabi nito. "Ayaw ko na iniisip mo si Daniella!"

"Kaibigan ko yon Dani, saka kasi alam mo yon, yong feeling na nambasted ka." nahihiya kong sabi sa kanya. "Ang hirap i-explain! Basta mahirap!"

"Okay." tamad na sabi nito at nauna ng maglakad. Bahala siya sa buhay niya, ako na nga itong nahihirapan. Alam ko na pinapakiramdaman niya ako kaya sinadya kong bagalan ang lakad ko.

"Haaaist!" narinig kong himutok niya sabay lapit sakin at hawak sa kamay ko. Hinila niya ako papunta sa isang restaurant. Siya na ang nag order ng pagkain dahil alam naman niya mga hilig ko.

Natuwa ako dahil sandwich at pasta ang inorder niya.

"Hindi ka ba naiinitan sa buhok mo?" tanong niya sakin. Nakalugay kasi ako para itago yong kissmark na nilagay niya. Napasimangot ako sa kanya.

"Sa tingin mo ba maitatali ko ang buhok ko sa nilagay mo sakin?" masungit kong sagot dito. Napansin ko naman ang pag ngisi niya.

"Tawa tawa ka diyan! Baka mamaya lagyan kita at di mo alam kung pano itatago." asar na sabi ko dito.

"Bakit ko naman itatago kung ikaw naman ang naglagay. Matutuwa pa nga akong ibalandra yon." sabi nito na tumataas taas pa ang kilay niya. Napairap nalang ako. "Yong tipong iisipin ng tao na pag aari mo ako."

Sa sinabi niyang yon namula naman ako. Kainis ka Dani! Hindi ko alam bakit ako kinikilig.

"Bwesit ka!" yon nalang ang nasabi ko. Siya naman natatawa nalang na kumagat sa sandwich niya.

"Bastedin kaya kita?" bigla kong nasabi sabay tingin niya sakin.

"You don't need to, kasi di man kita ligawan alam kong akin ka." confident niyang sabi.

"Whatever! Taas ng confidence mo."

"Of course babe!"

"Di ka lang talaga marunong manligaw." natatawa kong sabi dito.

"Why would I do that? If you are mine I don't need to court you, I'll just make you happy in the best way I can."

Hanep! Na speechless ako sa sinabi niyang yon.

"Look! Yon palang sinasabi ko namumula ka na. Mamayang gabi babe, magready ka ha!" sabi nito na umaalon alon pa ang kilay.

"Baliw ka talaga!" sagot ko sa kanya sabay inirapan. Siya naman natutuwa pang mang asar.

"Gazelle?" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Si Gazelle nga!" sabi naman nung isa.

"Uy! GUYS!" tuwang sabi ko nang makita ang college friends ko. Sila ang mga kasama ko since first year, sila Nikko, Mae, Ren, Winston, Cristine at kasama ata nila yong mga seniors namin dati na crush ko.

"Kumusta ka na? Grabe iba ka na ah!" bati sakin ni Ren at yumakap siya. Namiss ko rin tong babaeng singkit na to. Close na close kami nito ee.

"Si Gazelle ba talaga yan?" tanong naman ni Kuya Chris na senior namin dati na naging close ko din.

"Oo Sir Chris, ulyanin ka na po?" natatawa kong sabi dito. Napansin ko namang nakatingin si Elmar na kaibigan ni Kuya Chris, siya yong crush ko noon kasi ang talino niya. Napangiti naman ako dito, hindi kami close at isa pa nakakahiya kasi binuko nila akong crush ko siya dati.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon