34

11.7K 345 31
                                    

I feel so exhausted this past few weeks. Super busy sa work at pati na rin sa school. Ito pa yong nakakainis na pakiramdam ko na parang may sumusunod sakin o nakatingin pero wala naman kasi mag isa lang naman ako madalas. Ito ang ayaw ko pag mag isa napaparanoid kasi ako.

Tapos ito pa pakiramdam ko may multo sa unit ko. Kinuwento ko sa mga kaopisina ko pero pinagtawanan lang nila ako ang sabi nila stress lang daw ako. Sabagay halos wala na akong tulog sa araw araw.

Inaasikaso din namin ni Yuri ang business namin. Magkasosyo kami sa pinapatayo naming coffee shop. Naisipan naming magandang business yon lalo na ang location na pagtatayuan namin. It was 6 months ago na sinimulan namin ang plan. Swerte na kami sa area dahil pag aari nila Yance yon kaya medyo nakatipid kami at renovation lang sa dating shop. Since maraming koneksyon si Yance mas nakatipid kami ni Yuri.

I also need this for investment and my future.

Pauwi na ako mula sa opisina nang makita ko ang isang mini copper na sasakyan. Kagaya ng sasakyan ni Dani. Haaay namimiss ko talaga siya at mas lalo akong nasasaktan.

"Ate Gazz! Punuan nanaman jeep maglalakad nanaman tayo papuntang sakayan!"

"Okay lang yan makulimlim naman at malamig, exercise na rin." Sagot ko kay Jelly.

"Sabagay! Kaysa naman mamuti mata natin kakahintay ng sasakyan." Sabi niya at naglakad kami. Ito nanaman Ang weird feeling na parang may nakasunod pero normal lang naman ang lahat.

"Alam mo ate Gazz, kulang ka na talaga sa pahinga. Kasi halata sayo ma stress ka na. Maawa ka sa sarili mo at matulog ka naman." Alalang sabi niya napapansin niya kasi na sige akong lingon.

"Opo matutulog ako mamaya." Sagot ko.

Nang makauwi sa condo ay nakaramdam na ako ng sobrang antok at hindi ko na kinayang magbihis pa. Nahiga na ako agad sa kama at natulog.

Napanaginipan ko nanaman siya. Sana hindi na ako magising dahil pakiramdam ko totoo ang bawat halik at yakap niya sa akin. Ilang linggo na ring ganun.

Minsan napapaisip ako. Paano kung magkita kami uli. Ano kaya ang gagawin ko? Ano kaya ang mararamdaman ko?

Bahala na!

========

Nag file ako ng leave dahil sayang naman ang leave credits ko at isang linggo akong walang pasok. Aasikasuhin ko na muna ang business namin ni Yuri at school.

Nasa mall ako at tumitingin ng ilang mga tasa. Alam ko na nasa mall rin sila Denise at plano naming magkita. Nagtext naman sila na nasa restau na sila kaya sumunod na ako.

"Princess here!" Tawag ni Sadie. Naupo ako sa tabi ng dalawang bata pagka beso ko kay Denise.

"Kanina pa ako kinukulit ng dalwang yan. Talagang love na love ka nila." Nakangiting sabi ni Denise.

"Namiss ko rin silang dalawa." Masayang sagot ko.

"Salamat talaga at lagi mong pinagbibigyan ang dalawang yan, lalo na kapag wala ako."

"Walang anuman Denise. Napalapit narin talaga ako sa dalawang ito."

"Mommy wheres king?!" Tanong ni Sadie.

"King promises that we'll eat together!" Reklamo ni Santi.

"Kids, let's just wait. King never breaks promise remember?"

"Okay!"'sabay nilang sabi. Napatingin naman si Denise sa may pintuan.

"King is here!" Masayang sabi ng mommy nila.

"Sorry I'm late!" Narinig kong sabi nito.

Halos mahulog ako puso ko sa narinig kong boses. Napako ako sa kinauupuan ko at pinagpawisan ng malamig. Nakita ko ang pagbeso noya kay Denise na malapit sa labi nito. Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko at ang daming pumapasok sa isip ko. Nangibabaw ang sakit. Gusto kong maiyak sa nangyayari.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon