Isang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin ang lahat. Naalala ko pa ang huling pag uusap namin na hanggang ngayon ay dumudurog pa rin sa puso ko. Yong araw na yon ay mismong pag alis niya.
Marahil galit na galit din siya sa akin at hindi na nagawang mag paalam pa. Umalis din nung gabing yon sila Harley at Hailey. Marahil magkakasama sila.
Umasa ako na baka isang araw tumawag siya o magpakita sakin pero sa araw araw mas lalo akong nasasaktan at umaasa sa wala.
Kahit isang taon na ang lumipas ay mahal ko pa rin siya. Miss na miss ko na rin siya pero siya kaya naalala pa ako o baka hindi na.
Tumulo nalang ang luha ko habang nagsusulat sa journal ko. Isang pangarap lang talaga ang isang Danielle Sofiel.
Isang sem nalang after ng sem na ito at magtatapos na ako sa business course. Marami akong natututunan at nagugustuhan ko ito. Pero hindi pwedeng puro aral lang ako kailangan kong magtrabaho. Kahit pa may pera ako na galing sa kanya, kailangan ko parin ang trabaho. Bumalik ako sa dating call center na pinapasukan ko. Sapat naman sa pasok ko ang schedule at pang gabi pa rin ako.
Pasalamat nalang talaga ako at mag sasakyan din akong nagagamit. Lahat ng ito ay alala ng isang taong habang buhay na magiging parte ng pagkatao ko.
"Hi Gazz! Ang aga mo naman!" Nakangiting bati sakin ni Yuri.
"Dumeretso na ako from work, ikaw ang aga mo din."
"Ah oo. Maaga kasi pasok ni Yance ngayon kaya sumabay na ako kasi alam ko andito ka na rin." Ngumiti siya at ngumiti rin ako.
"Uhmm..Gazz, hindi ba masyado mong pinapagod ang sarili mo?" Alalang tanong niya sakin.
"I'll be fine. Mas okay na ang ganito Yuri.." sagot ko.
"Pero baka kasi magkasakit ka na niyan, lalo pa walang kasama."
"Malakas ako Yuri." Biro ko sa kanya. "Kailangan ko din ito."
Hindi na siya umimik. Si Yuri alam niya ang mga pinag dadaanan ko. Masaya ako dahil nakikinig siya sa akin at hindi niya ako hinusgahan.
"Uhmm.. Yuri, invite ka namin sa house blessing sana. Andoon ang lahat, sana makapunta ka." Nahihiya niyang sabi at inabot ang invitation.
"Oo naman Yu, sige file ako ng leave, mabuti sinabi mo agad. Tuloy na talaga ang paglipat nyo ni hubby mo. Mamimiss ko kayo."
"Ikaw naman pwede naman tayo magkita. Saka dadalawin naman kita sa Unit mo."
"Thanks Yu.."
"Basta ikaw, mamaya ba may pasok ka? May bago akong gustong itry, magbake tayo!"
"Ay sige gusto ko yan!"
"Saka mayang gabi, bibisita kami ni Yance sa bar niya. Sama ka na rin samin."
"Uhmm.. Bar?"
Hindi maganda ang experience ko sa bar. Bigla kong naalala nung sinama ako ni Dani sa bar.
"Sige na Yuri, kakanta din ako mamayang gabi. Monthsary din kasi namin saka andoon din ang barkada. Magbabakasyon sila ng 2'weeks dito."
"Uhmm sige.. Namiss ko rin na kompleto kayo."
"Ayan! Sabay ka ba samin?"
"Dalhin ko nalang yong sasakyan ko. Baka mainggit lang ako sa inyo ni Yance." Natatawa kong biro sa kanya.
======
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomanceThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...