Busy nanaman si Dani sa office at para sa business trip. Kinuha lang niya ang mga documents ko at siya na daw ang bahala sa lahat. Pinapunta lang ako sa embassy kasama niya at pumirma. Ang dami kasing koneksyon ng dambuhalang yon kaya di siya nahihirapan sa mga documents.
Ako naman naging busy sa coffee shop. Ready na ready na ito sa opening at sa isang buwan na yon. Nakakaexcite, kompleto narin ang mga gamit namin doon at nakakatuwa yong interior design napakarefreshing sa mata ng kulay.
"Excited ka ba Zel?" tanong ni Yuri sa akin. Inaayos kasi namin lahat sa coffee shop ngayon.
"Oo at medyo kinakabahan." sagot ko sa kanya.
"Ako rin." sabi ni Yuri habang chenicheck ang office namin. "Ingat ka sa business trip nyo ha."
"Salamat, ikaw diba aalis na kayo ni Yance bukas para sa bakasyon nyo? Dapat magpahinga ka na." bigla kong naalala na may lakad pala itong mag asawa. Mag babakasyon muna sila para mag unwind dahil sa pareho narin silang naging busy.
"Okay lang Zel, ready naman na lahat eh. Saka gusto kita samahan ngayon. Si Pearl na muna titingin tingin dito habang wala tayo."
"Okay narin lahat ng security alerts natin Yuri, si Gabbi na ang umayos nun at for sure walang mintis yon! Napakagaling na IT nun eh."
"Buti naman pumayag yong kaibigan mo. Balita ko talaga magaling siya." komento ni Yuri. Kilalang kilala rin si Gabbi sa larangan ng business gaya ni Dani at computer expert siya. Walang hacker ang nakalatalo sa kanga.
"Sobra! Nagulat din ako na siya ang nag offer. Sabi din ni Gerald at Juliet sa akin, sisilipin niya paminsan minsan itong coffee shop."
"Swerte natin sa mga kaibigan natin nuh." nakangiting sabit ni Yuri.
"Sobra." sagot ko. "Hindi ko akalaing magiging kaibigan ko sila sa totoo lang."
"Same here.. you know there life status is way different.. pero never nilang pinakita yon sa atin."
"Ibang iba sila talaga." Napangiti ako dahil talagang tunay silang kaibigan."Enjoy kayo ng asawa mo sa bakasyon ha! Dahil pag open ng shop busy nanaman tayo."
"Kayo din. Alam ko naman na may side trip ang business trip nyo ni Dani."
Namula naman ako sa sinabing yon ni Yuri.
"I hope you both all the best. Kailan mo ba siya sasagutin?"
"Uhmmm... siguro, uhmmm.." Ang bilis ng tibok ng puso ko. Si Yuri naman nakangiti na nakatingin lang sa akin.
"Mahal mo talaga siya nuh.."
"Sobra Yuri.." sagot ko. "Mula noon siya lang hanggang ngayon at hindi yon nabawasan."
"Bakit di mo pa sagutin?" tanong niya.
"I love to, pero kasi gusto ko na medyo pahirapan siya.." nahihiya kong sabi.
"I understand Zel, alam ko grabe rin ang pinagdaanan nyong dalawa. Pero alam ko na mahal na mahal nyo ang isa't isa."
Marami pa kaming napagkwentuhan, tungkol sa buhay mag asawa nila Yance, tungkol sa opening ng business namin at sa darating na sem dahil patapos na kami sa business course. Nang bandang alas kwatro na ng hapon ay dumating si Yance with red tulips pa. Talagang di sila nababawasan ng sweetness.
"Hi Hon! Hi Gazz!" masayang bati ni Yance. Hinalikan niya si Yuri at humalik din siya sa pisngi ko.
"Hi!" nakangiting bati ko. "Susunduin mo na ba si Yuri? Tamang tama para makapagpahinga na kayong dalawa para sa byahe nyo bukas."
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomanceThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...