Ano ba itong pinasok ko? Nag aya si Hellen na kumain sa isang restaurant at ako ito hila hila ni Dani? Dani nga ata ang name niya.
"Tsk tsk. Bakit ba ako napasubo sa ganitong sitwasyon?" Bulong ko sa isip ko.
Habang masaya silang nagkukwentuhan ako naman ay di na mapakali. Sana hindi siya magtanong dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Alam mo Gazelle, itong si Dani medyo sakit ng ulo.. I mean sakit talaga ng ulo." Sabi ni Hellen sakin.
"Wag mo naman akong siraan." Maktol ni Dani.
"Pero..sigurado ako popretektahan ka niyan. Di ka pababayaan, instant body guard." Natatawang sabi ni Hellen.
"Loko!" Natatawang sabi ni Dani.
"Gaano na kayo katagal?" Tanong niya.
"Weeks palang." Maagap na sagot ni Dani.
"So nag sex na kayo?" Seryoso niyang tanong ako naman namula sa sinabi nito na parang wala lang. Napayuko tuloy ako sa hiya.
"Hellen naman!" Natatawang sabi ni Dani.
"OMG! You are blushing. Don't tell me you are still you know.." napatungo nalang ako.
"Oh fck! Dani is a lucky girl." Sabi nito. Hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry if I make you uncomfortable."
"Okay lang.." ngiting sagot ko.
Saglit silang natahimik at nagkalikot ng phone.
"The fck Hellen!" Nagulat ako sa sigaw ni Dani. Si hellen namam nakangiti lang.
"Hindi pa ako ready! Pinagkalat mo sa group! Baka mabigla naman ang gf ki niyan. Nag aadjust pa siya. Kasisimula pa lang namin ee! Sigurado dadating na yan kila mommy!"
"Mas okay dba? Para aware na sila na nagbago ka na. Mas matutuwa at di ka na papagalitan ni tita! Stop being a womanizer Dani. You are lucky kasi tanggap nila na ganyan ka, unlike me." Seryosong sabi ni Hellen.
"Hellen naman. Wag mo naman sana akong pangunahan." Sabi ni Dani at halatang problemado siya.
"Doon din naman pupunta eh. Look everyone's expecting both of you on the party. I have to go. Bye Dani, bye Gazz." Mabilis siyang umalis. Naiwan akong tahimik at halata sa mukha nitong kasama ko ang problema.
"Aalis na rin ako." Sabi ko dito.
"Wait Gazz.. I still need you." Kumunot ang noo ko.
"Sobra ka na ha! Naabala mo na ako at lahat!" Reklamo ko.
"I really need your help please. Alam ng lahat na tayo. Wala pa kasi akong pinakilala sa pamilya. Kasalanan to ni Hellen eh. Please help me."
"Labas na ako diyan. Gawan mo ng paraan. Dami ko ng natulong sayo!" Mabilis akong tumayo para makaalis.
"Gazelle babe! Please wag mo akong iwan Mahal na mahal kita! Hindi ko kayang makipaghiwalay ka sakin!" Sigaw nito at ang mga tao sa restaurant nakatingin samin. Nahihiya ako sa ginagawa niya. Punyeta! Artista?!
"Gagawin ko lahat wag ka lang umalis. Parang awa mo na. Ikaw lang ang mahal ko.. I need you babe!" Sigaw pa niya at alam ko papalapit na sa akin. Nalatalikod pa rin ako. Pinipilit kong deadmahin.
"Miss kawawa naman yong gf mo oh. Wag mo namang iwan." Sabi nung nasa kabilang table.
"Kaya nga miss.. Tingnan mo naman ang ganda ganda oh."
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomantiekThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...