5

17.5K 514 3
                                    

Nakaramdam ako ng lungkot ng lapitan ako ng mga kaibigan ko sa opisina. Kahit kasi iba iba na ang team namin ay magkakaibigan pa din kami.

Mukhang nakarating na sa kanila ang balitang magreresign ako kaya ayon mga nangungulit na sila.

"Ate Gazz? Sure ka na ba talaga?" tanong sakin ni Miley. She's one of the youngest but sweetest among them.

Napaisip ako, bakit kasi kailangan ko pang mag resign. Nanghihinayang ako sa trabaho ako lalo na sa mga maiiwan ko. Ako pa naman ang nag bigay ng motivation sa kanila na mag stay tapos ako pa itong aalis.

"Ang daya naman ni ate Gazz." naiinis na sabi ni Trisha, actually butch siya pero sweet siya at close ko.

"Sorry na talaga guys, kung pwede lang hindi umalis ay di ako aalis kaso kailangan talaga. Promise pag natapos ko yon babalik ako dito kaya wag kayong aalis ha."

"Hoy! Bruha, aasahan kita next year sa peak season!" biglang singit ng TL ko.

"Promise, dito lang ako babalik sa company na to." nakangiting sabi ko.

Sabay sabay na kaming bumaba, at since break naman nila Trisha at Miley.

Itong dalawa ayaw pa akong paalisin nung nagpapaalam na ako at dinudumog nila ako ng yakap.

"Kayong dalawa masyado na tayong PDA na apat." natatawa kong sabi ko sa kanila at ito pinanggigigilan pa ako.

"Mamimiss ka kasi namin ate!" sabi ni Miley.

"Kaya nga, bukod sa wala na kaming madaldal na ate, wala ng magtuturo." sabi naman ni Trisha.

"Alam niyo, kayong dalawa magagaling na kayo, kaya wag kayong mag alala. Incase my problema, si Nikka, Jelly mga experts yon." sabi ko sa dalawa.

"Mamimiss din namin kasungitan mo!" natatawang sabi ni Miley.

Niyakap uli nila ako at niyakap ko na rin. Kumalas si Miley pero si Trisha niyakap ako uli. Sweet talaga yong batang yon. Sa ganong pwesto kami naabutan ni Dani na nakataas ang kilay. Nagulat naman ko.

"Dani?"

"Tagal mo naman, kanina pa ako andito." masungit na sabi nito.

"Ay sorry, di ko alam. Bakit ka andito?" tanong ko.

"Edi sinusundo ang gf ko." masungit na sabi niya.

"GF?!!!!" gulat na sabi ni Trisha at Miley. Hinawakan na ni Dani ang kamay ko at hinila.

"Bye bye na muna guys, see you next week." sabi ko dito. Di umiimik si Dani nang makasakay kami sa kotse. I found it creepy. Don't tell me nagseselos siya? Pero imposible. This is all about contract. Hindi nalang din ako umimik at nakatulog dahil na rin sa pagod.

Honestly, nasasanay na ako sa presensya at kakulitan niya. It feels like I'm almost getting to know her much better.

Nakaramdam ako ng haplos sa mukha at nagising ako.

"Haba ng tulog mo." sabi nito.

Nilibot ko ang mga mata ko. Nasa isang kwarto na pala kami at teka di ito apartment ko.

"Nasan tayo? Bakit ako andito?" isang mata ko palang ang nadidilat ko dahil masakit pa rin.

"Tagaytay lang. Unwind lang. Na exhaust kasi ako sa work ko nakaraan, sinabay pa sa school work." sabi nito at nag uunat.

"Paano ako napunta dito?"

"Binuhat kita." matabang na sabi nito. "Hirap mo kasing gisingin."

"Ay sorry." Yon nalang ang nasabi ko. Nahihiya ako.

"Aba! Di mo ako inaway ah."

Hindi na ako umimik dahil sa bukod antok ako ay tinatamad din saka nahihiya kasi binuhat niya ako. Tahimik lang din siya at parang may inaayos na mga documents.

"Ano, Dani. Anong oras tayo uuwi? Kasi gusto ko ng makaligo at makatulog ng matagal." sabi ko dito habang kinakamot ang ulo ko. Nakatingin lang siya sa akin. Wala akong pakialam kahit na ang gulo gulo ng buhok ko sa harap niya.

"May gamit ka naman diyan. Maligo ka nalang kung gusto mo. Mamaya kakain na tayo." sabi nito at tumalikod. Minsan ang weird niya. I mean madalas pala. Busy siguro sa work kaya di naimik at tinatamad mang asar.

Hinalungkat ko naman ang mga gamit. Bagong bili pala yon saka may undies. Kinuha ko yong blouse at shorts na kabagay nun. Di naman kaiksian at medyo ripped siya.

Tinitingnan ko yong bra kasi parang maliit ata.

"Kasya sayo yan sigurado ako." sabi nito.

"At paano mo naman nasabi?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Makita ko lang alam ko na kung kasya o hindi." sabi nito na nakatingin sa dibdib ko.

"Siraulo!" yon nalang ang nasabi ko. Nakita ko pa siyang ngumisi pero pumasok na ako sa banyo para maligo.

Ang sarap sa pakiramdam maligo, nabubuhay ang dugo ko sa warm water. Ang bango pa ng sabon at shampoo ang sarap sa pakiramdam. At dahil sa tuwa ko sa paliligo di ko na namalayan na ang tagal ko na pala.

tok tok tok

"Gazelle? Nalunod ka na ba diyan?" sabi niya mula sa kabila ng pinto.

"Ay sorry, tapos na ako." sigaw ko at nagmadali na. Paglabas ko ng banyo nakasandal siya sa gilid. Ngumiti siya nang makitang nagulat ako.

"Akala ko nalunod ka na ang tagal mo." sabi nito.

"Ang sarap kasing maligo." sagot ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Napaatras naman ako at parang nalunok ko ang dila ko. Lumalagabog naman ang puso ko lalo na nung halikan niya ang noo ko.

"You look fresh now." ngisi niya at lumakad na uli papunta sa may sofa ng kwarto. "Bilisan mo na kasi gutom na ako."

Inayos ko na ang sarili ko at nagsuklay at madaling tinuyo ang buhok ko gamit ang blower. Buti nalang shoulder bag lang na maliit ang dala ko kung saan kasya ang mahahalagang bagay na kailangan ko.

Nang makita niyang ready na ako. Agad siyang tumayo at hinila na ako. Napansin ko lang ang hilig niya akong hilahin.

Nakatingin ako sa likuran niya at napansin ko na ang sexy niya. Ang haba ng buhok niya na nakatali ng mataas. Nakaripped jeans siya at chuck taylor na sapatos at tank top na nakapolo ng cream. Napansin ko na cream din pala ang kulay ng blouse na suot ko.

Lumingon siya sa akin.

"Nagagandahan ka ba sa akin?" sabay ngiti niya. Inirapan ko lang siya.


"Edi ikaw na." At sinungitan ko.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon