Naging busy si Dani sa school at work niya pero so far naihahatid sundo niya pa rin naman ako. Di siya gaanong nangungulit at alam rin naman niya na walang kasama si Yuri sa apartment ko. Halata namang concern parin siya kay Yuri at sabi pa niya na baka mag suicide daw yon kaya samahan ko daw lagi.
Minsan pakiramdam ko mas may paki pa si Dani kay Yuri kaysa sakin. Sabagay, dati siyang nanligaw kay Yuri eh.
Madalas nagrerecord si Yuri sa phone niya. Yon siguro ang way niya para mailabas ang pagkamiss sa fiance niya. I know how she missed her at kung gaano niya ito kamahal. Gabi gabi din siyang naiyak at ayon nakakatikim na ng katarayan ko kapag ayaw kumain. So far kahit paano na checheer up ko siya.
I need to do something.
May out of town si Dani at sakto 1 week namang walang review.
I had an idea. She was sleeping soundly kaya palihim kong kinuha ang phone niya. Ibibigay ko yon kay Yance.
Nagcommute lang ako papunta sa condo at sa kabilang unit lang sila sa kinuhang unit ni Dani.
Magdodoorbell na sana ako.
"May kailangan ka?" tanong nito. Halata sa mukha nito ang pagkapagod at lungkot.
"Ikaw siguro si Yance?" tanong ko at tumungo lang ito.
"Yuri is fine, uhmm..gusto ko lang sanang ibigay sayo tong phone niya."
"Kumusta siya? Maayos lang ba siya?" alalang tanong niya.
"Yeah, she's okay." sabay abot ko ng phone niya. "She loves you so much. Sana huwag kayong sumuko. Pagsubok lang yan." ngiti ko at ngumiti din naman siya. Naglakad naman na ako paalis nang may makasalubong.
"Hey.." bati nito sa kin. Familiar ang mukha niya pero di ko maalala san ko ba to nakita? Di ako umimik at naglakad nalang.
"Ate, wait lang kilala mo si Ate Yuri diba? Ano kasi, we to talk to her. Yong mom ni Yance pinapahanap siya..di kasi nila alam ng tanggap siya ng pamilya nito dati pa." Tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. "Di ko na siya makontak kasi, baka pwede mo naman kaming matulungan."
Her eyes is so sincere. Ang swerte ni Yuri sa mga friends niya.
"Okay.. Anong pwede kong maitulong?" tanong ko at nakita ang pagngiti niya.
"Salamat, by the way ako pala si Johann. Uhmm ikaw yong natamaan ni Jul ng bola diba?"
Ah oo nga pala sila yon.
"Ah kaya pala parang nakita na kita. Gazelle nga pala."
"Nice name.."
"Thanks." tipid kong sagot.
Dinala ako ni Johann sa isang restaurant na kung nasan ang mga ibang kaibigan nila. Nakakailang sa kanila paano ang gaganda nila.
"Hi guys!" bati ni Jo sa kanila at napatingin sa akin.
"Gf mo?" biglang tanong nung babaeng mukhang barbie.
"Hindi.. New friend, kaibigan din ni Ate Yuri at nakatira sa kanya ngayon. She will help us with the plan." ngiti ni Johann at pinaupo na muna ako.
Isa isa naman silang nagpakilala at nakakatuwa kasi ang babait nila.
Nakakatuwa ang plan nila na nakakaloko.
"Acting nanaman." bulong ko sa sarili ko.
"Nakakaexcite naman!" biglang sabi nong Allaine. "Buti naman at may tutulong na sa atin para di halata."
"Kaso paano mo mapapasama si ate Yuri?" tanong nung Jeanne.
"Madali lang yon, ako na ang bahala. Basta bukas ng 9am lalabas na kami sa apartment. Ito ang address kayo na bahala."
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomanceThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...