12

16.5K 499 5
                                    

It feels like everything is okay. Masaya ako sa review at narerefresh naman ako sa nursing. Sana pumasa na ako this time.

Nakakatuwa din dahil may makukulit din akong mga kaibigan sa review. Lagi kaming magkakasama at since si Eliza ang book worm dito madalas madami siyang nashashare sa amin.

Nasa open field kami ngayon at wala yong instructor sa review for 3:00-5:00 pm kaya naisipan namin na mag brainstorming at mag relax sa open field dahil hapon na rin naman. Napagod kami sa lessons nung umaga.

Natatawa ako kila Paola at Henly, pagulong gulong lang sila sa damuhan at si Eliza eto nagbabasa nanaman, si Pamela nanonood sa nag vovolley ball.

Ako ito natutulala dahil napagod na ang utak ko magbasa. Kausap ko naman ang mga friends ko sila Nikka, Jelly at Miley sa group chat.

"Gazie? Anong feeling na gf mo ang isang sikat na tulad ni Dani?" biglang tanong ni Pamela.

Napatingin ako sa kanya at natawa lang.

"Hay naku Mela, dami mong alam."

"Bakit kaya di ako crush ng crush ko?" natawa nanaman ako sa kanya. Parang movie lang yong tanong niya.

"Si Jullianne may Annie na siya, yong first crush ko yong friend naman niya na si Jeanne may Minnah naman at si Johann naman may Heidi, si Pamela kaya kailan magkakaroon?" napailing naman ako sa kanya.  Aminado naman kasi siyang Bi siya. Ang ganda pa naman niya, kaso mas gusto niya daw maging jowa ay lesbian.

"Sino naman ang mga yon?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Ayon oh, mga dyosa sa volleyball team."

Napatingin naman ako sa lugar na yon. Pakiramdam ko nakita ko na sila. Ang gaganda din nila at di mo iisipin na puro may gf pala sila.

Binalik ko nalang muli ang pansin ko sa pagchachat sa mga friends ko nang marinig ang sigaw ni Pamela.

"Iwas!" malakas niyang sigaw at naramdaman ko nalang na may bumunggo sa ulo ko na nahilo ako ng sobra.

"OMG! Gazie?! Okay ka lang?" natatarantang tanong ni Eliza.

"Sht! Gazie, naalala mo pa ba ako?" Si Paola na inaalog pa ako pabangon. napahawak naman ako sa ulo ko.

"Omg! Humihinga ka pa ba Gazie?!" Si Henly naman na puro damo ang suot na damit.

"Punta na tayo sa clinic!" sabi naman ni Pam.

"Naku sorry talaga! Di namin sinasadya." sabi nung isang babae na nakapusod ang buhok. Alam ko isa siya sa tinutukoy ni Pamela kanina.

"Napalakas kasi ang spike ni Jul, sorry talaga." sabi naman nung isa na nakapony.

"Miss sorry, di ko sinasadya." sabi naman nung nag spike.

"Dalhin ka na namin sa clinic." offer nung nakapony.

"Okay lang ako." sagot ko sa kanila. "Di na kailangan." Napangiwi naman ako nung hawakan ni Paola ang ulo ko kung saan tumama ang bola, may bukol kasi.

"Anong okay? Eh may bukol ka oh! Naalala mo pa ba ang nireview natin? Kilala mo pa ba ako?"

Natawa nalang ako kay Paola.

"Okay nga lang ako. Umayos ka nga Paola."

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Kita sa mata nung nag spike ang concern niya. "Kailangan ka ng madala sa clinic."

Hinawakan niya ako sa braso.

"Anong nangyari?" narinig kong boses ni Dani kaya napatayo naman ako.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon