10

17.5K 538 7
                                    


Uhmm dedicate ko to kay mikchui05 salamat po sa pagbasa ng story at vote :)

======

Namangha ako pagpasok ng penthouse.

Ang ganda ng penthouse na kinuha niya. Akalain mo na 2 floors at may dalawang kwarto. Nakakaamaze kasi kompleto na ang mga gamit doon at mga appliance.

"Did you like it?" Tanong niya sa akin.

"Sobrang ganda nito." Mangha kong sabi.

"Kaya ayusin mo trabaho mo kasi sayo to mapupunta. Parang bonus mo na rin." Ngisi niya.

"Sobra na to Dani. Nakakahiya naman na!"

"You deserve more than this Gazz.." she sounds sincere at kinakabahan nanaman ako sa mga titig niya. I admit that she is such a beautiful creature, she is flawless and perfect, maliban nalang sa ugali niya at pagiging manyak.

Nagulat ako nang yumakap siya sakin mula sa likuran ko.

Kinurot ko siya dahil sa sobrang kilabot na nararamdaman ko.

"Ikaw bakit ka bipolar?!" Inis na sabi ko sa kanya.

"I told you na ang akin ay akin at dahil akin ka walang pwedeng yumakap sayo!" Inis na sabi nito at padabog na naupo sa L shape na sofa.

"Kung maka ari ka diyan ha!" Masungit kong sabi dito.

"Di mo ba binasa kontrata?" Ngisi niya sa akin.

"Huh?! Oo."

"So aware ka na pati katawan mo akin?" Ngisi niya at papalapit na. Napapatras ako sa bawat hakbang niya.

"Wag kang lalapit na siraulo ka!"'sigaw ko dito pero naramdaman ko na lang ang pader sa likuran ko. Ngisi niya ang nakita ko at nang itinutulak ko siya hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at lalong sinandal sa pader. Halos manlambot ang mga binti ko ng maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.

"Dani..please.." kabado kong sabi.

"Don't worry babe. I will make you fall for me. At saka ko aangkinin ang katawan mo." Ngisi niya.

Napalunok ako. Kahit kailan manyak siya. Nanatili akong tulala at pumunta na siya sa kusina.

Anong sabi niya?

She will make me fall for her?

Tang ina! Tapos ano?!

Ang gagu paasa at pa fall siya.

Naiinis ako. Hindi ko malaman ang gagawin sa kanya ang alam ko lang hindi ako pwedeng ma fall sa kanya.

Isang malalim na buntong hininga nalang ang nagawa ko at naupo sa sofa at di ko namalayang nakatulog na ako.

"Uy gising." Alog niya sa akin. Sinimangutan ko lang siya.

"Tinatamad akong kumain." Niyakap ko ang unan. Teka bakit nasa kama na ako. Napabangon ako pero nahilo naman ako kaya napahiga ako uli.

"Ang bigat mo pala! Sige wag ka ng kumain baka tumaba ka ng tumaba. Tama talaga desisyon ko na ikaw pinili ko kasi imposible talagang mainlove ako sayo!" Ang lakas ng tawa niya at nakaramdam ako ng insulto.

Mabilis akong bumangon at sinuot ang doll shoes ko. Agad nakita ng mata ko ang bag ko kaya kinuha ko to. Mabilis akong naglakad pero nahihilo pa ako kaya bumunggo ako sa pintuan. Sobrang lakas ng pagkakabunggo ko at natumba ako. Narinig ko ang malakas niyang tawa at mas lalo akong nainis. Pinipigil kong maiyak.

"Ano ba yan! Laki mong lampa!" Di ako umimik at deretso paring naglakad. Ang sama sama niya at di ko na namalayang tumulo na ang luha ko.

Nasa taas pala tong kwarto at natisod pa ako. Naririnig ko parin ang tawa niya.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon