Iniiwasan ko nalang na mag kita kami ni Dani sa school. Mabilis lumipas ang panahon nabalitaan ko na okay na si Dani at Hellen at maganda yon, ayaw ko naman na magkasira sila. Malungkot sobra. Bago matapos ang semester nabalitaan ko na umalis na si Dani at di na aattend ng graduation. Lalo akong nalungkot, namimiss ko na siya ng sobra. Napatingin ako sa salamin, masyado na akong nagpadala sa lungkot at kailangan ko ng asikasuhin ang sarili ko.
Sa araw araw siya ang naiisip ko. Mukhang ako lang ang nagmahal saming dalawa dahil ako lang ang nahihirapan. Napayakap ako sa baymax na nasa kama ko at iniisip na si Dani ito.
I miss you Dani..
Akala ko mahal niya ako pero hinayaan lang niya ako. Hindi man lang ako pinaglaban, wala ba talaga akong halaga sa kanya?
Mabilis ang paglipas ng panahon. Aras araw akong umiiyak. Pakiramdam ko ang tanga ko. Yong akala ko na hindi na ako masasaktan dahil wala na siya pero parang mas lalo akong nasasaktan. Akala ko mawawala din ang nararamdaman ko para sa kanya pero mas lumalala.
Napatingin ako sa starbuck planner ko na ginawa kong journal. Naaalala ko pa pinagtalalunan namin yon last year. Gusto niya kasing bilhin nalang pero 1k yon eh gusto ko collecting stickers lang. Ayon mas lumalala dahil bumili siya ng maraming coffee. Kasama namin nun yong mga kaibigan niya at tag dadalawang coffee. May saltik talaga yong dambuhalang yon. Napayakap ako sa journal na yon.
"You made me miss you more Danielle Sofiel." Sabay tulo ng luha ko. I even write those words in my journal. Lahat ng nararamdaman ko sinulat ko.
Inayos ko na ang sarili ko. I need to unwind. Sa tuwing kikilos ako alala lahat ni Dani ang nasa paligid.
Napangiti ako nang sumakay na ako sa kotse. Yong kotseng bigay ni Dani. Antagal bago natoto akong magmaneho at talagang tinyaga niyang turuan ako.
Hindi ko gusto ang pakiramdam ko dahil parang may sumusunod sakin. Nakakairita na pero wala naman akong makitang nakasunod sakin. Benabalewala ko nalang dahil baka mali lang naman ako.
Dumaan ang marami pang araw, linggo pero nanatili pa rin ang nararamdaman kong kalungkutan. Pinipilit kong itago ito para walang makahalata.
Wala kaming pasok dahil sa busy ang mga professor para sa foundations day. Pumunta ako sa favorite spot ko sa school, sa may open field sa mga puno. Dito din kami madalas nila Pamela at nong iba kapag nag rereview.
Naupo ako sa favorite na puno ko dahil malapad ito at malilim. Kinuha ko ang planner ko at nagsulat ng nararamdaman ko ngayon.
"I missed them.. all of them specially her."
Nakakaantok ang hangin, hinahangin nito ang mahaba kong buhok. Inipit ko sa tainga ko ang kanang bahagi. Nakaantok, ipinikit ko ang mga mata ko hanggang tuluyang nakatulog.
"I miss you.." narinig kong bulong at pakiramdam ko may humalik sakin. Pero sadyang antok na antok ako at di ko magawang dumilat.
"Dani.." yon lang ang nasabi ko at tumulo ang luha ko.
Maya maya nagising ako at nagulat ako sa taong nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ko na kinukusot ang mata.
"Parang di ka natutuwang makita ako. Nakakatampo ka naman." simangot ni Hellen sakin. Bahagya akong natawa. "Tinatawanan pa ako!"
"Hindi naman. Ang haba kasi ng nguso mo. Pasensya ka na, may masama lang akong panaginip." nakayukong sabi ko dito.
"Miss mo na siya noh." halos pabulong na sabi nito. Pilit akong ngumiti sa kanya. Hinila naman niya ako payakap at niyakap ko siya.
"Namiss kita." sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomanceThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...