38

14.1K 362 23
                                    


Para akong na estatwa sa paghalik nya sa akin. Hindi ako makagalaw sa paghalik niya. Noong una nakalapat palang ang labi niya sa akin, ganoon palang ang ginagawa niya pero para na akong nakukuryente at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sandali pa ay gumagalaw na ang labi niya na mas lalong nagpapahina sa akin.

I miss everything about her..

I was about to respond to her kisses when she stops. She straightly look in my eyes.

"You've never change.. You are still mine.." medyo paos na pagkakasabi niya at nakakalusaw ang mga titig niya.

"Ano?..uhmm.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hapitin niya ako para mas mapadikit sa kanya at muli akong halikan. Dahil sa magsasalita ako, hindi na siya nag aksaya ng panahon para padiinin ang halik. Kinakagat niya ang mga labi na nagpapainit ng pakiramdam ko at ang mga kamay niya ay naglalakbay na sa aking likuran.

I found myself responding to her as I hear that she moaned between our kisses. That was very passionate and no one wanted to stop. Parang miss na miss namin ang isat isa at mas lalong lumalalim ang bawat halik. Aaminin ko namiss ko ito..

Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang mawawala nanaman ako kasabay ng paghalik niya sa noo ko.

Walang umiimik sa amin at tanging mga tibok lang ng puso ang namin ang naririnig ko. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon.

"Gazelle, I miss you so much.." bulong niya na halos matunaw ako. Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa mga magiging sagot niya.

Isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon ay kung mahal niya pa ba ako.

"Dani.." halos walang boses na lumabas sa mga bibig ko.

"Gazelle, I..I..still.." Hindi na niya natuloy ang sasabihin.

Tok tok tok

Bumuntong hininga siya at may kinuha sa bulsa niya na parang remote?

"Dani.. You have a lunch meeting with SN Corp.. in 40 minutes.." mabait na sabi ng secretary niya pero kanina ang maldita niya.

"I told you to cancel everything today. I have things to do." Seryoso niyang sabi.

"Are you sure?" Tanong ng secretary at tumingin pa sa akin.

"Yes."

"Dani, aalis na ako. Nakaka esturbo na ako sa mga meetings mo." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"No babe, you'll stay." Sabi nito at hinapit nanaman ako palapit sa kanya at hinalikan sa labi na kinagulat ko. Kahit kailan ang PDA niya!

"I'll cancel that one too." Sabi ng secretary at lumabas na siya. Nilock uli ni Dani ang pinto.

"Where are we now?" Nakangisi niyang tanong sa akin. Ako naman ay namumula na sa hiya.

"Let's go on a lunch date."'bigla niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako nakaimik pa at nagpatangay na sa kanya. Namiss ko ang malalambot niyang kamay.

"Bukas na ako babalik. Pwede ka na rin umuwi ng maaga." Sabi niya sa secretary niya. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at hinila na ako papunta sa elevator. Pagkapasok nasa unahan lang ako at hinila ako sa likuran.

"Hwag kang matakot andito ako." Ngiti niya sa akin at hinalikan ako sa ulo. Huminto ito sa 40th floor ay may mga empleyado siyang pumasok. Binati siya at ngumiti lang siya. Napapatingin din sila sa akin dahil siguro sa pagkakapulupot sa akin ni Dani. Lagi pa akong hinahalikan sa ulo, napapayuko nalang ako. Pagdating sa 38th floor halos mapuno ang elevator at nasiksik na kami sa dulo. Pinihit niya ako at niyakap. Pakiramdam ko pulang pula ako sa ginawa niyang yon.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon