Naging busy kami pareho ni Dani sa kanya kanyang trabaho. Alam ko naman na kailangan niya pang pumunta sa opisina niya pero nagagawa niya paring pumunta sa office namin dahil sa mga inaasikaso niya. I wonder kung ano yon pero ayaw ko naman siyang tanungin. Nakakatuwa din kasi sinasabayan niya ako para ihatid narin.
"Babe, kailan ka mag reresign?" tanong niya. "Malapit na mag open ang coffee shop nyo ni Yuri at may school ka pa. Baka di mo na kayanin." concern na sabi niya habang naghihintay kami sa elevator.
"Sa totoo lang iniisip ko na rin, kaso nag sstart palang kami ni Yuri, so kailangan ko parin ng extra income."
"You know I can..."
"No Dani!" agad kong sabi. "Kaya ko ito."
"Babe, pero kasi ayaw ko na nahihirapan ka."
"Pasasaan ba at malalagpasan ko ito."
"Paano ang school mo, gagraduate ka na rin. Ang hirap kasi lalo pa halos wala ka ng tulog at time.." malungkot na sabi niya.
"I need to render 30 days Dani." agad siyang napalingon sa akin.
"30 days? Hindi pa pwedeng immediate nalang?" tanong niya sa akin.
"Uhmm, bakit? In 30 days open na ang shop.. sakto na siguro yon."
"Kasi, I will be on a business trip.."
"Saan?"
"Korea, Thailand, Singapore then sa Dubai at lastly sa Japan.."
"Kailan?"
"Next week na." nasa 8th floor na kami at nilagay ko ang gamit ko sa locker. " I wonder kasi baka makatulong yon sa coffee shop mo. You know, Japan is good when it comes to cakes.."
"2 weeks trip lang naman yon." sabi pa niya. "I want you to come with me."
Natawa ako sa kanya at sumakay uli ng elevator.
"Dba dreams mo pumunta sa mga bansang yon?"
"Oo, pero baka makasagabal ako sayo at saka pa, nagtitipid ako. Ayaw ko naman na sagutin mo ang lahat."
"BABE naman eh! Ang hirap kasi mag isa lang ako. Saka mamimiss nanaman kita." malungkot na sabi niya. "Malay mo mas makatulong sa business nyo ni Yuri pati yon. Sayang ang opportunity."
"Sabagay, pero kasi nagawa ko na ang resignation letter ko. Willinga ko mag render ng 30 days. Igawa mo kaya ako?"
"Ito na!" excited na sabi niya na inilabas sa hawak niyang documents. "Babe wala ng bawian!"
Paglabas ng elevator natatawa nalang ako na kinuha sa kanya yon. Binasa ko at nakasaad pa na last day ko na ngayon.
"Pirmahan mo na!" excited na sabi niya at inabot ang pen sakin.
"Pero paano ang school ko."
"Don't worry, makakahabol ka naman eh, tapos na exam nyo at sem break na. Ako na bahala."
Pirmahan ko na yong ginawa niyang resignation letter sa akin. Natatawa ako kasi ang lalim ng english nya.
"Buti natapos ko na ang dapat tapusin sa office nyo. Hindi na magiging kawawa ang mga agents." sabi pa nito. Napakunot ang noo ko. "And you don't to know."
Pagkabadge ko sa pinto, pinagbuksan niya ako at nagpaalam na siya na pupunta sa meeting. Ako naman lumapit sa TL ko.
"TL.." sabay abot ng resignation.
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomanceThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...