Sa dalampasigan ako pumunta dahil.Gusto kong mapag isa. Hindi ko alam kung nasaan si Dani ngayon. Pero siguro mas mabuti na to.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit.
Mali ba ako?
Dapat ba inunawa ko siya?
Pero paano kung matuloy ang kasal nila? Mas masasaktan ako dahil ngayon palang wala na akong laban paano pa kapag kinasal na siya?
Naupo ako sa buhanginan na nakayakap sa mga tuhod ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Gusto kong ipaglaban si Dani pero paano?
Ang bigat bigat ng nasa dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari.
Aaminin ko natatakot ako..
"Love?" Naramdaman ko pagtabi ni Daniella sakin. "Hindi ko na tatanungin kung okay ka dahil mukhang hindi naman."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong mapag isa pero ayaw ko naman siyang itaboy.
"Mahal mo siya kaya ipaglaban mo siya. Ikaw naman ang mahal niya eh." Sabi ni Daniella sakin. "Dani is a genius, gagawa siya ng paraan para malusutan ang kahit anong gusot."
"Pero hindi siya nagtitiwala sa akin."
"Honestly I don't know why it happens. Remember dapat fiancee ko siya pero hindi natuloy. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan siya kay Harley." Buntong hininga nito. "Harley doesn't like her either and I know Dani is working on this."
Napatingin ako sa dagat..
Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat, masyado na akong nasasaktan.
"Kung sinabi ba sayo si Dani na ikakasal na siya ano ang gagawin mo?" Bigla akong natahimik.
"See! I know na iiwasan mo siya at ayon ang ayaw niyang mangyari. She wants to fix it first. Minsan ka na niyang nasaktan kaya natatakot na siya."
"She loves you..."
Tumulo nalang ang luha ko sa sinabi niya. Siguro nga ay ako Ang mali. Pero tama si Daniella. Iiwasan ko si Dani kung nalaman kong ikakasal na siya dahil ayaw kong nakagulo.
Niyakap ko si Daniella dahil medyo nakahinga ako ng maluwag. Umalis na rin siya after non at ako naman ay nanatili sa tabing dagat.
Naisipan ko na ring umalis doon at nang makatayo ako ay nakita ko so Harley. She's smiling at me. Tipid lang akong ngumiti at nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ako sa braso.
"Wait lang Gazz."
Napatingin lang ako sa kanya at pilit kong inagaw ang braso ko.
"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko.
"Uhmm.. I want to know you more." Ngiti niya.
"Sorry Harley, busy ako hahanapin ko pa si Dani." Lumakad na ako pero nagulat ako nang hilahin niya ako at halikan sa labi. Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya ay sinampal ko siya.
Napahawak nalang siya sa pisngi niya. Galit na tumingin ako sa kanya!
"Ang sama sama mo!" Galit na sabi ko dito.
"Sorry I can't help it. Gazz akin ka nalang. I can give you everything.."
"Nagpapatawa ka ba Harley? Hindi nga kita kilala tas ganito? Isa pa may Mahal na ako."
"Si Dani?"
"Oo si Dani!"
"She will marry Hailey soon."
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomanceThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...