9

16K 506 18
                                    

Ilang linggo na ba ang nakakalipas at ginulo niya ang tahimik kong mundo. Ito ang ayaw ko kaya nais ko ay mapag isa. I hate attachments with people, nagiging mahalaga sila sa akin. At the end of this contract alam ko kakalimutan na niya ako. I always have this feeling kapag magkasama kami. kahit ako naguguluhan din. dahil ba first time kong may nakasama ng ganito, may nangulit sa akin, may nang iinis, at may pumapansin.

I never been attracted towards same sex.

I know I am straight. Hindi ako naatract sa kahit sino mang babae. Pero bakit ganun kay Dani. Tingin ko sa kanya lalaki kahit na babae siya kumilos, manalita at manamit. I find it very weird.

"Gazz ang lalim ng iniisip natin." puna sa akin ng kaibigan kong si Jelly.



Napabuntong hininga lang ako.


"Mamimiss mo kami nuh." tukso sakin ni Nikka. "Hwag ka na kasing magresign."



"Kayo talaga, kumain na nga kayo diyan!" sabi ko sa kanila. Last day ko na kasi kya pinagluto ko sila. Nag order din kami sa Ambers at nagdagdag sila ng mga kakainin.



Sa isang tupperware may carbonara pa ako. Iniisip ko kung ibibigay ko kay Dani, kaso baka ano naman ang isipin nun, napaka assuming pa naman.



Nasa baba na kami ng opisina at naiiyak naman itong mga alaga ko, sila Miley at Trisha.


"Ate mamimiss ka talaga namin, dalaw ka ha."


"Oo naman, minsan pag di ako busy lalabas tayo. Libre nyo ko ha." ngiti ko sa kanila.



"Eh, si ate talaga!" maktol ni Miley.



"Kayo ha, wag kayong pasaway. Walang magreresign sa inyo. Dapat pagbalik ko promoted na kayong lahat."



"ATE!" maktol nila.


Naggroup hug kami. Napansin ko naman sa peripheral view ko si Dani na papalapit. Ano kayang ginagawa niya dito?



"O sige na, iingat kayo."



"Ate ang totoo, kaya ka ba nag resign kasi ikakasal ka na?" biglang tanong ni Camille.



Natawa naman ako sa kanya.



"Dami niyong alam. Sige babye na." Sabi ko dito. Lumapit na ako kay Dani at nagulat naman ako sa paghalik niya sa lips ko. TSK! Magna talaga.



"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.



"Sinusundo ka." cold na sabi niya.



"Anong meron?" tanong ko.



"Daan tayo sa condo na bibilhin ko." sabi nito.



"Ayaw mo na sa condo mo?" tanong ko.



"Shunga sayo yon, dba sabi ko sayo di ka bagay doon sa condo ko."



Oo nga pala, doon niya dinadala mga babae niya. Napairap nalang ako at pinagbuksan niya ng pinto ng kotse at sa may Mandaluyong lang pala kami.



Malapit sa office kaya napatingin ako. Isang sakay lang. Pwedeng pwede ako bumisita.




"Dala mo ba mga documents na sinasabi ko?"



"Oo, kaya nga malaki bag ko. Birth cert, NSO, NBI, Pati ID ko, pati na rin passport andiyan na lahat."



"Good!" cold parin siya.



The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon