15

15.5K 479 6
                                    

It's been a while pero pakiramdam ko namimiss ko si Dani. Hindi na siya gaanong nagpaparamdam.

Nasa may school ground kami nila Pamela, Anya, Henly at Paola na nagbabasa nang mapansin ko si Dani. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang makita na may kasama siyang babae. Isang magandang babae, matangkad, maputi at talagang pretty. Hindi nagdadala ng books o ano mang gamit si Dani pero may mga bitbit siyang books. Sigurado ako doon ito sa babaeng yon. Ang sakit sa puso.

"Si Dani ba yon?" Biglang sabi ni Pamela.

"OMG! Kasama niya si Devone!" Gulat na sabi ni Anya. Napatingin ako sa kanya dahil sa reaksyon niya.

"You don't know her?" tanong ni Henly sa kin na nakataas pa ang kilay ng bakla. Umiling lang ako.

"It shouldn't come from us. Ask your gf sweetie." sabay ngiti niya sakin.

"Ano nga kasi? Sino ba yon? Ex niya? Sa dami ng ex ni Dani di na ako magtataka." pilit ngiti kong sabi para di nila mahalata na apektado ako.

"Okay Gazz, di ko keri magsinungaling sayo. Si Dani alam mo namang cassanova yan. Pero si Devone ang kaisa isang babae sa school na ito na niligawan niya. She confesses but Devone turned her down dahil straight daw siya. Dani was broken at 2 weeks na di pumasok. As far as I know si Devone naman pumunta na ng US para doon mag aral. Nakakagulat lang na makita na magkasama sila." pag amin ni Henly.

Hindi ko alam pero ang sakit sa puso. Bumuntong hininga lang ako at tinuon ang pansin sa libro. Tahimik lang silang lahat.

"Sabi na dapat di mo sinabi." bulong ni Paola.

"Ang hirap maglihim sa kanya, after ng reaction paper niyo." inis na sabi ni Henly.

Ngumiti ako sa kanila. "Ano ba kayo wala yon. Yaan niyo siya at mag review nalang tayo. Kapag tayo lumagapak sa exam iyak tayo niyan."

"Okie sweetie!" sabi nilang apat. Pero aaminin ko di ako makaconcentrate. Para akong nagpapalpitate. Nagulat ako nang biglang may maglapag ng isang stem white rose sa binabasa ko. Pati mga kasama ko natulala.

"Sir?" gulat kong sabi. Siya yong nurse na nagrereview samin. Sa totoo lang ang gwapo niya at ang talino. Ngumiti siya sa akin.

"That's for you Gazelle." nahihiya niyang sabi.

Aaminin ko first time kong makatanggap ng bulaklak at natutuwa ako.

"ah.. ee a..anong occasion? Para san to?" hiya kong tanong.

"2 weeks nalang tapos na ang review nyo sakin. Baka mawalan na ako ng chance na sabihin sayo na gusto kita. Gazelle...can I..? putol niyang sabi. At nakaramdam naman ako ng halik sa labi ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawang yon ni Dani. Parang tumigil ang mundo ko. Ayaw ko ng PDA pero bakit kinikilig ako sa ginawa ni Dani kahit na kumikirot parin ang puso ko.

Lahat nang nasa paligid tila nagulat din.

"I miss you babe." ngiti ni Dani sakin at napaling ang tingin niya sa bulaklak at kay Sir Matthew.

"I heard you like my GIRLFRIEND?" talagang emphasize pa ang word na gf. Kikiligin na sana ako kaso hindi eh, hindi naman talaga kami.

"I'm sorry Miss Sofiel, I didn't know. Please accept my deepest apology for what I have done." nakayuko nitong sabi.

"Leave." maauthoridad na sabi ni Dani at nang makaalis at hinila naman niya ako.

"Sandali!" pag agaw ko ng kamay ko para iligpit ang gamit ko at bitbitin ang mga libro. Hindi man lang dinala ang gamit ko. Kainis!

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon