46

11.5K 363 31
                                    

Naisipan kong bisitahin si Dani sa office niya. 3 days na kaming hindi gaanong nagkakasama dahil sa napakarami niyang ginagawa sa opisina. Madalas din siyang overtime. Pinipilit niyang ayusin yong mga naging aberya para di daw makaabala sa business trip namin at pagpunta sa probinsya namin.

Ipinagluto ko siya ng lunch sana naman hindi siya busy. Inayos ko rin ang sarili ko para presentable akong haharap sa kanya. Nang makarating ako sa opisina nila naisipan kong dumeretso sa elevator nang sitahin ako ng babae sa front desk.

"Good morning maam, saan po sila?" tanong ng nasa front desk. Mukhang mabait siya unlike sa nauna na nag assist sa akin dati.

"Miss, pwede po ba na dumeretso ako sa office ni Danielle Sofiel?" nahihiya kong tanong at napansin ko ang pagtaas ng kilay niya na kinabigla ko.

"Do you have a schedule appointment?" tanong niya.

"Kailangan pa ba nun? Ihahatid ko lang sana itong lunch niya." Hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano niya ako tingnan mula ulo hanggang paa. Akala ko pa naman mabait siya. Napaisip tuloy ako kung may mali sa suot ko ngayon, pero sa tingin ko naman ay wala.

"Sorry Miss, pero importanteng tao kasi ang nais mong puntahan at kailangan mo magpaschedule ng appointment as per policy."

"Ah ganun ba? Pwede ba akong magpaschedule ngayon?"

"Sandali tatawagan ko si lang si Ma'am Henson." sabi nito at feeling ko ay yong secretary ang tinutukoy niya. Napansin ko na may kausap na siya sa kabilang line.

"Miss, the soonest appointment we can give you will be next month. I told you so busy na tao ang president. Are you okay for an appointment after a month?"

"Uhmm, hindi nalang. Siguro panis na itong lunch niya sa panahong yon." natatawa kong sabi pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Miss ano daw ang pangalan mo tanong ni Maam Henson." medyo mataray ang boses niya.

"Hayaan mo na lang. Aalis na ako. Salamat!" nakangiti kong sabi.

"GAZELLE!" narinig kong tawag sakin ng isang babae. Boses palang ay alam kong si Vera na yon.

"Vera!" napangiti ako nang makita ko siya. Patakbo siyang lumapit sakin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"I miss you Gazz! Super!" sabay halik sa pisngi ko na pinanggigigilan ako.

"Vera halata ngang miss na miss mo ako." natatawa kong sabi sa kanya. Buti nalang Matt lipstick gamit niya at di dumikit sa pisngi ko ang lipstick niya.

"Kung alam mo lang Gazz! Nakakainis kasi sobrang busy at hindi na kita nadalaw, alam mo bang kararating ko palang dito trabaho agad!" himutok niya sa akin.

"Mukha ngang sobrang abala nyong lahat."

"Teka, bakit ka nga pala andito?"

"Dadalhan ko sana ng lunch si Dani, kaso mukhang di pwede at busy ata siya." sagot ko.

"Wow! How sweet of you! Dani will surely be surprise and who told you na busy siya?" nakataas ang kilay na sabi nito sabay tingin sa front desk. Hinila niya ang kamay ko.

"Hoy! Lahat kayo! Kilala nyo ba ako?" mataray na tanong ni Vera. "Answer me!"

"Yes maam Vera."

"Good! Kaya kayo tandaan niyo ang mukha nitong kasama ko at kahit ano pang ginagawa ni Danielle Sofiel pag dumating tong si Gazelle, papasukin nyo kung ayaw nyong mawalan ng trabaho!"

Napuna ko ang pagtango ng mga tao na naroon ako naman napayuko nalang sa hiya.

"Vera naman! Di mo na sana ginawa yon, nakakahiya."

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon