27

12K 351 16
                                    

Nagising ako at nakita kong tulog na tulog pa si Dani pero gusto ko ng mag asikaso kaya bumangon na ako. Sa makalawa pala babalik na kami sa Manila.

Matapos kong mag asikaso ay tumawag sakin si Pamela.

"Hi Gazz!" Masayang bati niya.

"Oh kumusta ang future doctor?" Masaya kong tanong.

"Maayos naman. Namiss na kita!"

"Miss na din kita. Balitaan mo ko pag nakauwi ka."

"Oo naman!"

Saglit pa ay natapos na din usapan namin at si Dani ito nakabusangot nanaman.

"Nakabusangot ka nanaman diyan?" Pansin ko sa kanya.

"Wala!" Masungit niyang sagot at dumeretso sa Cr. Hindi ko na siya pinansin.

Inayos ko nalang ang sarili ko nang may marinig sa labas na nag uusap. Yong kambal.

"Harley! Dba nga dapat matuwa ka kasi di mo na siya kailangang pakasalan? We can switch at kapag kami naman ang kinasal wala na silang magagawa!" Sabi ni Hailey sa kakambal.

"Inposible yan Hailey! At isa pa sigurado ako na ipapakasal ka nila sa batang Reynolds! Tapos ano! Ako ang ilalagay mo sa alanganin!" Galit na sabi nito sa kambal.

"My gosh twinnie! Di ka pipilitin nila na ikasal sa lalaki! Alam naman nila kung ano ka. Ipaubaya mo na sakin si Dani, dahil gustong gusto ko siya. Hindi ko makumbense sila dad kaya ito lang ang naiisip kong paraan."

"Alam mo na ayaw kong makasal sa Dani na yan! Pero napaka alanganin ng naiisip mong yan. Saka wag na si Dani, iba nalang Hailey."

"At bakit?! Omg dont tell me nagkakagusto ka na sa kanya?!"


"Of course not! Please lang Hailey, wag yong ganitong paraan. Hirap na hirap na rin ako."

"This is the only option twinnie! Tapos magpakasal na sa iba agad agad. Alam ko di ka nila matitiis dahil.kailangan ka nila sa kompanya, ikaw lang may kakayanan doon."

"Bakit ba kasi patay na patay ka sa taong yon!"

"You can't blame me. She's so..urggg! I can't explain." Parang ang saya niya pa sa sinasabi.

Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nila. Anong papakasalan si Dani? Bakit pinag aagawan nila si Dani?

"Hailey?! Umamin ka!"

"Fine! Muntik nang may mangyari samin. I saw her sa bar tapos ang hot niya. We kissed and she's an amazing kisser. She was so drunk and I was about to take her with me when someone interrupted. Mula non hinahanap hanap ko na siya at nagulat nalang ako na ikaw pala ang papakasalan niya."

"Hailey you are unbelievable. Wag si Dani."

"Ano dahil doon sa babaeng yon?'dba gusto mo siya. Akin si Dani at sayo yong babaeng yon!"

Narinig ko nalang na pahina ng pahina ang usapan nila dahil lumakad na sila paalis.

Para akong napako sa likod ng panti. Hindi ako makapanila sa narinig ko. Ito ba ang inililihim sakin ni Dani. Pero bakit kailangan niyang ilihim ang ganitong bagay? Ang gulo gulo.

Lumabas siya sa banyo na nakabusangot parin. Nakatingin siya sakin pero walang emosyon ang mukha niya. Gusto ko siyang tanungin.

"Dani? Totoo ba?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"What?!"

"Papakasalan mo si Harley? Ikakasal kayo?" Kabado kong tanong. Base sa expression ng mukha niya ang pag kompirma nito at di ko na maiwasang tumulo ang luha ko.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon