Gaya ng dati may box nanaman paglabas ko ng pinto. Ilang linggo na rin na ganito.
Bouquet ng baymax na may fresh red roses. Kinuha ko ang note na nakalagay doon.
"I like the way you smile. I wish I could me you soon.."
Natatawa nalang akong pinasok yon sa unit bago ako pumasok sa school.
Napapadalas ang ganoong regalo at nacucurious na ako kung kanino galing yon.
Nakareceive ako ng text mula kay Yuri.
From: Yu
Gazz, mamaya ha sa bahay, hindi ako makakapasok ngayon kasi busy. I'll expect you tonight sa house party.Ngayon na nga pala ang paglipat nila sa bahay nila. Naeexcite ako para sa kanya. Sigurado akong napakaganda ng bahay nilang yon.
Masaya akong nakalabas dahil wala si Harley. Salamat naman at wala ng magulo. Tulad ng dati boring ang araw araw ko. Walang gana na nakikinig sa klase. Yong feeling na mag isa ka lang lagi.
Pagkatapos ng klase naisipan kong pumunta sa mall at nag iisip kung ano ang ireregalo ko kila Yuri. Napunta ako sa mga figurines at naisipan kong isang crescent shape na figurine ang iregalo dahil hilig yon ni Yuri.
Ipinabalot ko naman yon at nagsabi ako na babalikan ko nalang dahil gusto ko pang maglakad lakad dahil mahaba pa naman ang aking oras.
"Princess!" Agad akong napangiti nang marinig ang boses ng dalawang bata.
"Sadie, Santi!" Masaya kong tawag sa kanila. Ang hilig magmall ng nga to.
"Namiss ka namin!" Sabi ni Santi. Nakasunod sa kanila ang dalawang babae na naka scrub suit na sa tingin ko ay mga yaya nila.
"Namiss ko rin kayo. Kumusta na kayo?"
"Mabuti! Sama ka sa amin sa world of fun andoon si King papakilala ka namin." Excited na sabi ni Sadie.
Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ng dalawang bata papunta sa world of fun. Bahagya akong napangiti dahil naalala ko na nag punta din kami ni Dani dito.
I miss her.
Nagbasketball pa nga kami noon at akala ko matatalo ko siya pero dinadakot lang niya ang bola.
"King is missing again!" Maktol ni Sadie.
"Maybe, the king is with the witch!" Sabi ni Santi.
I wonder ano kaya ang tinutukoy ng mga batang ito. Im sure na yong king na sinasabi nila ay yong tito nila pero lagi nilang binabanggit yong witch at nakakacurious din yon.
"Kids! Saan nanaman kayo nagpunta?" Tanong ng mommy nila.
"We saw Princess!"'excited na sagot nila. Napaka energetic na bata talaga.
"Hi Gazelle!" Nakangiting bati sakin ni Denise.
"Kumusta?" Bati ko sa kanya.
"Ito mabuti naman.." sagot niya. Napansin ko na palingon lingon siya. "Sayang nawala ang tito King nila, papakilala sana kita."
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomansThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...