Nasa bahay kami ni Denise ngayon. May kailangan daw silang asikasuhin ni Dani sa business at isinama naman ako ni Dani sa bahay nila imbes na umuwi. Ang dahilan niya nya ay namimiss na daw ako ng mga bata. Wala naman akong magagawa at hindi ko rin naman kayang tanggihan yong kambal lalo na at napalapit na rin ako sa kanila.
Nasa library sila Dani at Denise at kami naman ng mga bata nasa playroom nila.
"You know what princess, We saw the witch yesterday!" biglang sabi ni Sadie.
Napatingin ako sa kanya. Lagi nilang nababanggit ang witch pero wala naman akong idea kung sino yon.
"I really don't like her!" sabi naman ni Santi.
"Me too!" sabi naman ni Sadie.
"Anong gusto niyong meryenda?" tanong ko sa kanila.
"CAKE!!!" masaya nilang sigaw at nagmadaling tumayo saka ako hinila.
"I want the cake that you and King bought for us!" excited na sabi ni Santi. Pagbaba naman mukhang inihahanda na ng yaya nila ang meryenda.
"Ay Gazelle, ito na nakahanda na meryenda nyo ng mga chikiting!" masayang sabi ni Ate Rita.
"Salamat ate. Sige po ako na bahala sa kanila." masayang sabi ko. Iniupo ko naman na ang mga bata at masaya silang kumakain ng cake. Ang saya saya nilang pagmasdan at nakakatuwa. Ang sarap siguro ng may anak na kasing babait nila.
"Tara babe, gawa na rin tayo ng babies natin." bulong sakin ni Dani na yumakap pa.
"Sira ka talaga!" natatawa kong sabi. "Kanina ka pa ba diyan? Gusto mong kumain?" tanong ko.
"Oo kanina ko pa kayo pinapanood." masayang sabi niya. "Babe, aalis na muna ako. Kailangan na ako sa office eh. Nagkaproblema pa kasi."
"Okay lang. Sige na at trabaho yon."
"Okay po. Pero wait mo ako ha. Hatid kita pauwi mamaya doon ako matutulog."
"Hwag na. Ako nalang uuwi. Dala ko naman yong kotse." napansin ko ang paglungkot ng mukha niya. "Sunod ka nalang sa unit. Ipagluluto kita." bigla namang umaliwalas ang mukha niya.
"Sige babe! Aagahan ko!" masayang sabi niya at humalik sa lips ko saka ko siya tinulak.
"Babe naman! Damot!" asar na sabi niya.
"May mga bata oh!" saka ko siya kinurot.
"It's okay. Mom and dad does that!" nakangiting sabi ni Sadie.
Umalis naman na si Dani at nong hapon na ay umalis na rin ako para bumili ng mga kakailanganin ko. Gusto ko siyang ipagluto. Napapangiti nalang ako pag naiisip ko na official girlfriend ko na siya. Napapahawak ako sa kwintas na binigay niya.
"Look who's here." maarteng sabi ng babae na bumunggo sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. Ayaw ko siyang patulan at pansinin.
"Excuse me." yon lang ang sinabi ko at nang lalakad na ako ay hinawakan niya ako sa braso ko.
"I am still talking to you!" masungit na sabi niya.
"We don't need to talk Devonne." I looked at her directly.
"There's a lot!" halata sa mukha niya ang inis. "Bakit bumalik ka pa!"
"Hindi ako bumalik dahil hindi naman ako umalis." seryoso kong sabi.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito!"
"Wala akong ginagawa sayo!"
"Meron! Inagaw mo siya sa akin!"
BINABASA MO ANG
The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)
RomanceThis is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pero marunong lumaban. Optimistic siya at masayahin. Madali siyang mapatawa. She is a person that you...