26

13.7K 379 13
                                    

Magkahawak kamay kami na bumalik sa resort.

"Anong ginawa mo maghapon?" Tanong niya.

"Wala naman. Naglakad lakad lang kasama si Daniella." Sagot ko at napabusangot siya.

"Daniella nanaman!" Reklamo niya at di ko mapigilang matawa.

"Kaibigan ko yon. Saka alam naman niya na ikaw ang mahal ko." Sabi ko dito at pinisil ang ilong niya.

"Aba dapat lang alam niya!" Sagot nito. Napapailing nalang ako. Habang naglalakad kami nagulat nalang ako nang bigla niyang bitiwan ang kamay ko nang makita niya ang kambal. Ayaw kong bigyan ng kahit anong ibig sabihin yon pero ayaw ko nang pakiramdam na ito.

"Hey Dani!" Tawag nong Hailey. Magkamukha ang kambal pero dahil sa curly at girly si Hailey hindi ka magkakamali. Si Harley naman kasi ay medyo may pagkaboyish.

"Hindi mo man lang kami pinasyal!" Reklamo nito kay Dani na hindi ko malaman at naiirita ako.

"Ano ba Hailey! Tumigil ka nga!" Halata naman sa boses ni Harley ang pag ka irita sa kambal.

Nakabusangot si Hailey si Harley naman nakatingin sakin at bahagyang ngumiti sabay tumingin kay Dani at umiwas.

"Eh! Nakakainis naman. Ano pang gagawin natin dito ang boring boring naman."

"Baka nakakalimutan mo ikaw ang nagpumilit na pumunta tayo dito!"

"And you know whats my reason. Dont you like it sis! I am helping you!"

Nawiwirduhan ako sa dalawang ito. Nagulat nalang ako nang pumulupot nanaman si Hailey sa braso ni Dani pero di man lang tinanggal ni Dani.

"Guys! Dinner is ready!" Tawag ni Maria.

"Halika na Dani!" Excited na sabi ni Hailey at hinila na si Dani. Itinago ko na naiinis ako.

"Hi!" Natauhan ako nang magsalita si Harley. "Uhmm? Tara?" Ngumiti ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait.

"Ano mo si Dani?" Tanong niya.

"Uhmm.. Ano.." alanganin kong sagot. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Complicated ba?" Tanong niya na medyo nakangiti. Napatawa nalang ako. "Manliligaw? Or girlfriend?"

"Eh ikaw? Ano nyo si Dani?" Balik kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang napatiim bangang na parang naiinis.

"Business stuff.." walang gana niyang sagot.

"Business lang?" Curious kong tanong at tumango naman siya.

Maganda si Harley. Maputi siya, sexy matangkad din siya pero mas matangkad si Dani. Mahaba at straight din ang buhok niya at ang lips niya pinkish. Ang ganda din ng mata niya. Napansin ko na namula siya.

"Wag mo akong tingnan.." nahihiya niyang sabi.

"Ay sorry.. Ang ganda mo kasi." Nahihiya kong sabi at napansin ko na marahan siyang napangiti.

"You're blushing!" Pang aasar ko sakanya.

"Because you are looking at me." And she smiled sweetly.

"Tapos na ba kayong mag usap?!" Masungit na sabi ni Dani. Mukhang mainit nanaman ang ulo niya at ayaw ko yong sabayan kaya nauna na akong maglakad para makaupo. Tumabi na ako kay Daniella.

"Love.. Okay ka na?" Alalang tanong niya.

"Yup.." ngumiti ako sa kanya ayaw ko na dinadamay ang tao sa paligid ko kapag naiinis.

"Dani! Dito ka na maupo!" Sabi ni Hailey at hinila si Dani sa tabi niya na kaharap ko. Si Harley naman naupo sa tabi ko dahil bakante naman.

Nahihiya ako sa mga kaibigan ni Dani kung magpapakita ako ng inis ko dito. Hindi ko rin gustong sirain ang bakasyon nila. Pakiramdam ko may tinatago sakin si Dani na di niya masabi at yon ang kinaiinis ko at alam ko may alam sila. Pero hindi ko sila pwedeng kwestyunin.

The Contract (Rule: Dont Fall Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon