Chapter 1

12.2K 125 2
                                    

Chapter One

**Althea Zara Alvarez**


"Bakit kasi di mo pa siya iwan baby?"

"Nangako kasi ako sa mommy niya na aalagaan ko siya"

"Ikaw lang ba ang pwedeng mag alaga sa kanya? Baby naman eh akala ko ba love mo ako iwan mo na siya."

"Maghintay ka lang baby malapit na"

"I love you Adrian"

~*~

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga narinig ko hindi ako makapaniwala na kaya kaya niyang gawin sa akin 'yun ang sabi niya mahal niya ako sabi niya di niya ako ipagpapalit sa iba.

Sobrang sakit ng mga narinig ko siya lang 'yung nasasandalan ko tapos ganito.

Ayoko! Di ako papayag sa akin lang siya hindi niya ako pwedeng iwan.

Sana panaginip lang ang lahat ng ito sana hindi ito totoo mahal na mahal ko si adrian.

Agad na bumaba ako ng kwarto ko para magbreakfast ayoko naman kasing malate sa klase.

"Good Morning Yanny" masiglang bati ko.

"Magandang umaga iha halika na kumain ka na"

Parang mag isa lang ako ngayon sa lamesa tila wala sila daddy ngayon kadalasan sabay sabay kaming kumakain.

"Nasaan po sila daddy?"

"Maaga sila umaalis para ayusin ang wedding nila hindi na sila nakapagpaalam kasi ang sarap daw ng tulog mo"

Hindi na ako muling nagtanong pa pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.

Excited na talaga si daddy at tita chesca para sa wedding nila. Sa totoo lang masaya ako para kay daddy simula kasi nung namatay si mommy hindi na naging masaya si daddy naging masaya lang siya ulit nung dumating si tita chesca sa buhay namin.

Four years na rin kasi ng nawala si mommy dahil sa sakit and Im just 13 years old back then sobrang hirap tanggapin ng mga panahon iyon.

Bigla akong natigilan sa pag iisip ng mapansin ko ang orasan it's already 8:00! I need to go ayokong malate.

"YANNY ALIS NA PO AKO MALALATE NA PO KASI AKO BYE!"

Hindi ko na nahintay ang sagot ni yanny dahil sa pagmamadali ko. Tumakbo ako ng napakabilis para makasakah na sa sasakyan.

~*~~

" Tatawagan ko nalang po kayo mamaya pag susunduin niyo na ako "

Agad ko tong sinabi sa driver namin bago ako bumaba saka na ako nagmadaling pumasok.

" Good Morning Sir! " Agad kong bati pagkapasok ko sa room sinadya kong pumikit para hindi ko makita ang reaction ng mga classmate ko nakakahiya kasi.

" Magandang Umaga rin sayo Althea! Hahahaha ! "

Hay. Wala pa pala si Sir nagmadali pa naman ako at ito namang kaibigan kong to tinawanan pa ako.

"Tsee! Tumigil ka nga sa kakatawa mo Miss Mica Almazan! "

Siya yung best friend kong lagi kong kaaway ayos diba pero kahit ganun love na love namin ang isa't isa.

Siya yung napagsasabihan ko sa mga problema ko.

"Hahaha! Yung mukha mo kasi eh ! Hahaha pikit pikit pa! Hahahaha "

" Tahimik sabi eh! " Sigaw ko sa kanya

" Hahaha oo na! Galit ka na eh "

Agad ko naman hinanap si Adrian yung boyfriend kong sobrang bait hindi pa kasi siya nagtext sa akin ngayong araw. Naalala ko nanaman yung mga narinig ko sumisikip nanaman ang dibdib ko.

" Uy! Wait lang ha hanapin ko lang si Adrian"

Andyan na kasi yung bag niya pero wala naman siya saan naman nagpunta yun kada umaga naman kasi hihintayin niya muna ako bago lumabas ng room para magkasama kami.

" Iiwan mo nanaman ako?"

Hay naku ang drama eh parang di ko naman siya babalikan.

" Saglit lang naman alam mo ikaw ang drama mo! Sige na Bye"

Nagpunta ako ng canteen baka andoon siya. Sinubukan ko ring magtanong tanong.

" Hello! Nakita mo ba si Adrian?" Tanong ko sa nakasalubing kong classmate namin.

"Ay hindi eh"

" Sige thank you"

Pero wala. Saan ko naman siya hahanapin ahh alam ko na sa gym baka andoon siya.

Dali dali akong tumakbo para makarating agad.

Mukang walang tao pero pumasok pa rin ako sa loob.

"May tao ba dito!?" Sigaw ko

Wala namang sumasagot pero nag hahanap pa rin ako ng tao.

May nakita akong panyo. Teka? Kay Adrian to ah andito siguro siya

"Adrian??"

Nakita ko siya nakatayo at nakasandal sa pinto may kasama siyang babae.

Si Trixie!?Siya ba yung dahilan para iwan niya ko? Siya ba yung ipapalit niya sa akin?

Seryoso silang nag uusap pero hindi ko marinig kaya lumapit ako.

"Naguguilty na ako Trixie"

"Hindi ka naman maguguilty ng ganyan kung sinabi mo sana ng mas maaga diba?"

Ito na ba yun? Iiwan na ba niya ako? Ngayon na ba yun? Tumulo nanaman ang luha ko di ko mapigilan! Ang sakit!

Why Adrian?

"Sige kapag nakahanap ako ng tyempo sasabihin ko na "

" Asahan ko yan Adrian yan ha"

So ito na nga iiwan na nga niya talaga ako dapat handa na ako eh pinag handaan ko na ito eh.

Akala ko kaya ko na

Hindi pa pala

Hindi ko siya papakawalan! Akin lang siya.

"Halika ka na baby pasok na tayo"

Hinila ni Adrian si Trixie palabas ng dressing room pero agad sila napahinto ng magsalita ako.

" Teka lang , bakit magkasama kayo? " Ang sabi ko.

Agad akong lumabas sa pinag taguan ko at halatang halata sa mukha nila ang gulat. Talagang nagulat pa sila ha eh pinag uusapan na nga nila diba.

"Althea"

Agad na sinabi ni Adrian ng makita ako. Halatang halata sa mukha ang pagkagulat hindi niya siguro inakalang andito ako. Bigla niya ring binitawan si Trixie ng tignan ko ang mga kamay nila.

"Babe bakit ganyan ang mukha mo? Okay ka lang ba?"

Pilit kong nilakasan ang boses ko kahit na nanginginig ako, pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko. Kahit na ang sakit sakit pilit akong ngumingiti sa harap nila.

"Anong ginagawa mo dito althea"

Tinignan ko si Trixie at kitang kita ko ang ngiti sa labi niya.

Ahas.

"Maiwan ko na muna kayo"

Tuloy tuloy na naglakad si Trixie at bago siya makalayo ay huminto siya at tinignan si Adrian. Ang sakit.

Hindi ko pinansin ang mga nakita ko ayoko na munang pag usapan ang mga nakita at narinig ko.

First day of school ganito na agad ang mangyayari sa amin.

"Babe halika na sa room late na tayo" saad ko.

I hold his hand and start walking but Adrian is not moving nakatayo pa rin siya.

I bite my lower lip and have a deep breath.

"Althea let's end our relationship"

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon