Chapter 64

3.3K 52 1
                                    

Chapter Sixty-Four

**Andrew Sanchez**

Akalain mo yun natapos namin trabaho namin sa Airline Company ng ganito kabilis akala ko aabutin kami ng isang taon doon. Ang saya saya talaga makakatulong na ako kila papa at mama sa kompanya.

"Mama mauna na po ako ha may dadaanan pa kasi ako!"

"Sige anak magkita kita nalang tayo doon"

"Wag po kayong malalate ha"

Bago ako sumakay sa sasakyan ko ay tumingin na muna ako sa salamin tinignan ko ang itsura ko kung pogi na ba. Ayoko naman kasing humarap kay Mica na hindi maayos ang itsura ko.

Oo tama kayo ng basa si Mica! Susunduin ko siya para sabay na kaming magpunta sa company. Saka ano pinopormahan ko na rin kasi si Mica tinamaan ako sa kanya eh hindi ko alam kung kailan nagsimula basta isang araw naramdaman ko nalang to yung gustong gusto ko siyang kasama dahil nakakaramdam ako ng sobrang saya pag kasama siya tapos namimiss ko siya agad pag di ko siya nakikita, pag may kasama siyang iba nakakainis parang gusto kong sapakin yung lalaki.

Basta ang mahalaga ngayon ay pumayag na siyang ligawan ko siya.

Bago ako bumaba ng sasakyan ko ay tumingin muna ulit ako sa salamin pagkatapos ay kinuha ko ang katabi kong bouquet.

Bigla akong napatalon sa gulat ng kumatok si Mica sa bintana ng sasakyan kaya dali dali kong binuksan ang pintuan.

"Hi Mica" ang sabi ko sabay kamot sa batok

"Alam mo ba kanina pa kita hinihintay late ka na ng 5 minutes ha!"

"Sorry traffic sa daan eh"

Sa totoo lang nakakatakot na ngayon si Mica imagine nakataas na yung isa niyang kilay tapos nakapamaywang pa siya yung ilong niya lumalaki na yung butas tas nakanguso pa siya. Grabe Mica ang cute mo!

"Ano yang nasa likod mo?"

Ay oo nga pala nakalimutan kong ibigay sa kanya yung bulaklak.

"Flowers for you Mica"

Pagkaabot ko sa kanya ay napansin kong napangiti siya pero pinigilan niya kinikilig tuloy ako.

"Thank you andrew, halika na baka malate pa tayo"

Pinagbuksan ko si Mica ng pintuan para makaalis na kami.

Alam mo Mica walang masama ngumiti ang hirap kayang pigilan ang pag ngiti hay naku pinapahirapan mo sarili mo. Ang ganda mo pa naman tuwing nakangiti. Sarap sabihin pero di ko magawa kainis naman.

**Annika Fernandez**

Bakit ba kasi ngayon pa nag out of town sila daddy wala nanaman manunuod mamaya sa akin pag kukunin ko yung certificate ko, walang ngingiti sa akin pag tanggap ko ng certificate wala nanaman papalakpak sa akin pag tungtong ko sa stage.

Debale na kaya ko naman pumunta ng wala sila ilang beses na ngang nangyari to eh dapat masanay na ako pero nakakalungkot pa rin talaga.

"Ano nanaman bang dinadrama drama mo dyan annika?"

"Wala di naman ako nagdradrama"

"Hindi ba yan eh tignan mo nga yang mata mo basang basa na ng luha. Wag mo na kasing isipin yung daddy mo dapat maging masaya ka na kasi makakapagtrabaho ka na sa company niyo ikaw na mamamahala nun saka andito naman ako eh. Ako papalakpak sayo mamaya ako ngingiti sayo. Ok ba yun?"

Kahit na ang malas ko sa daddy ang swerte ko pa rin talaga sa kaibigan.

"Thank you angel." Bigla niya akong hinila para mayakap.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon