Chapter 44

3.1K 44 2
                                    


Chapter Forty-Four

Mio Zayn Rivera


Pagkatapos nilang gamutin ang mga sugat ko ay umuwi na ako ng bahay hindi na ako pumasok sa klase ko gusto ko ng magpahinga.

Naalala ko bigla nung hinawakan ni althea ang mukha ko at tinulungang makapunta sa clinic ay napangiti ako dahil kahit galit siya sa akin ay nag aalala pa rin siya.

Pagkapasok ko ng bahay ay nakita agad ako ni Zia. Napansin niya ang mga sugat ko sa mukha.

"Kuya bakit dami mo pong sugat?" Zia said habang hawak ang mukha ko.


Binuhat ko siya at nilagay sa legs ko.

"May kasalanan kasi si kuya kaya may sugat" sabi ko.

"Di ka po nag sorry kuya? Kawawa ka naman"

Hindi ako kawawa Zia nasaktan ko kasi siya kaya dapat lang to sa akin.

"Ayaw nila maniwala sa akin eh"

At ayaw niyang makinig sa akin.

"Halika kuya yakap nalang kita"

Niyakap ko si zia ng mahigpit nagpapasalamat ako dahil may kapatid akong kagaya ni zia.

Kumawala na ako sa yakap at ibinababa na siya dahil ramdam kong malapit nang tumulo ang mga luha ko.

Ngayon sabihin niyo ng bakla ako dahil umiiyak ako pero wala na kayong paki walang nakakaalam ng nararamdaman ko walang gustong makinig sa mga paliwanag ko.

"Are you crying kuya?"  Napaiwas ako ng tingin kay zia.

"No zia. Bibihis lang ako ha"

Pagpasok ko agad ng kwarto ko ay inalis ko ang damit ko at pumunta sa banyo para mag shower.

Kasabay ng pagbuhos ng tubig sa shower ay ang pagtulo ng mga luha ko hindi ko mapigilan. Miss ko na siya! Gusto ko magpaliwanag sa kanya pero bakit ayaw niya akong pakinggan!

Sana kahit isang beses lang pakinggan niya ako kahit limang minuto lang basta pakinggan niya lang ako.

Sinuntok ko ang pader ng banyo ko sinuntok ko ng paulit ulit hanggang sa magdugo ang kamay ko.

Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi na sana ako pumayag mangyari yun edi sana hindi ko nasaktan si althea hindi sana kami nag kakaganto ngayon!

Ng huminahon ako ay lumabas na ako ng banyo ko at nagbihis na gusto kong uminom gusto kong magpakalasing!

Binalutan ko ang kamay ko dahil kumikirot ito sa sakit pagkatapos ay kinuha ko ang jacket ko at ang susi ng sasakyan ko at bumaba. Pero laking gulat ko ng makita ko si Mica sa sofa.

"Mica" pagkabanggit ko ng pangalan niya ay tumayo siya sa pagkakaupo at nilapitan ako para sampalin.

Hindi ako nagsalita at ang tanging ginawa ko lang ay ang yumuko.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon