Chapter Fifty-Six
**Mio Zayn Rivera**
"Althea"Bakit siya nandito di ba niya alam na delikado dito dahil madilim na saka babae pa naman siya. Naku naman althea.
Pagkasara ko ng pinto ay nilingon niya ako nagulat ko ata siya. Hindi ko sana siya lalapitan pero hindi ko matiis eh sobrang miss ko na siya.
"Bakit nandito ka Althea malamig na baka siponin ka" ang sabi ko sa kanya ng makalapit ako sa harapan niya.
Hindi niya ako sinasagot at nakatingin lang siya sa akin, parang ang lungkot ng mga mata niya parang ang dami niyang iniisip.
Gusto ko na siyang yakapin.
"I need to go"
Naglakad na siya paalis , akala ko makakasama ko siya ngayon at makakapag usap kami.
Nilingon ko siya at hinintay na makaalis pero kanina pa siya sa harap ng pinto bakit hindi niya pa buksan.
Nilingon niya rin ako na para bang kailangan niya ng tulong kaya di na ako nag aksaya ng oras lumapit na ako sa kanya.
"Mio ayaw mabuksan ng pinto"
Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko ngayon masaya ako dahil matatagalan kaming magkasama dito ni Althea pero lumalamig na ngayon at siguradong magkakasakit kami sa lamig pag di pa kami nakalabas ngayon gabi.
Pinipilit kong buksan yung pinto pero ayaw talagang mabuksan! May sira yata to eh o na lock lang to sa labas.
Tinutulak ko na yung pinto pero masyadong matibay kaya di ko kayang sirain sumasakit na rin yung braso ko.
"Mio stop , maghintay nalang tayo ng darating para mabuksan yung pinto"
"Paano ka? Malamig na baka magkasakit ka"
"Kaya ko ang lamig Mio wag ka mag alala"
Pagkatapos niyang magsalita ay iniwan niya ako at bumalik siya sa lugar niya kanina , kaya sinundan ko siya.
Nakaupo siya sa upuan samantalang ako ay tinitignan ang mga dumadaan na sasakyan sa baba ng hotel , napapatingin nalang din ako sa langit.
"Mio"
Nilingon ko agad si althea pagkahawak niya sa balikat ko.
"Do you still love me?"
Hindi ko akalaing magtatanong siya ng ganyan kaya hindi ako agad nakasagot.
"Hindi mo na kailangan sagutin" paalis na sana siya pero nahawakan ko ang kamay niya kaya napahinto siya at lumingon sa akin.
"Althea sobrang mahal na mahal kita tingin ko nga hindi na magbabago yun eh kada nakikita kita mas lalong kitang minamahal , kaya kong tiisin lahat ng sakit sa tuwing nakikita ko kayo ni Justin na magkasama kaya ko yun althea i love you so much"
BINABASA MO ANG
Be My Man
Teen FictionAko si Althea Zara Alvarez na mahuhulog ang puso sa isang lalaking itago natin sa pangalang 'Mio Zayn Rivera' dahil sa kanyang natatanging kabaitan sa akin kahit na ang kulit niya. Sigurado rin naman akong gusto niya ako eh. Pero bakit nangyari sa...