Chapter 39

3.4K 43 3
                                    

Chapter Thirty-Nine

Althea Zara Alvarez POV


Wala akong makitang damit na pwede kong isuot mamaya.

Ang dami ko ng naisukat pero wala akong magustuhan kailangan ko na atang bumili ng bago.

Ummm ito kaya pwede na? Kinuha ko color white na dress na may kunting design at isinuot.

"Mommy ito po ba okay na?"

Sabi ko kay mommy habang pinapakita ang suot kong dress, nagpapatulong kasi ako kay mom na maghanap ng magandang isusuot para sa date namin ni Mio.

Yes date namin ng boyfriend ko at excited na ako. Gusto daw kasi makabawi ni Mio sa nagawa niyang kasalanan sa akin.

"Kahit ano naman ang isuot mo bagay na bagay sayo eh"  naku si mommy talaga bolera Kaya love na love ko siya eh.

Kinuha ko yung hikaw ko at isinuot sa tainga ko at saka tumingin na sa salamin naglagay ako ng kunting make up at lipstick.

"Zara Im sure magagandahan na si Mio sayo" sabi ni mommy habang inaayos ang buhok ko.

"Talaga mommy? Naku sana nga po"

"Mahal mo talaga si Mio no anak"  napatigil ako sa paglalagay ng make up at humarap ako kay mommy.

"Opo mahal na mahal ko po si Mio mom" sabi ko ng nakangiti.

Bumalik na ako sa pag aayos ng mukha ko gusto ko pag nakita ako ni Mio matutuwa siya sa akin.

"Wag ka masyadong magpagabi zara ha make sure bago makauwi ang daddy mo nakauwi ka na" sabi ni mommy.

"Yes mom."

Lumabas na ako ng bahay dahil naghihintay na sa akin si Mio. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit ganoon din naman siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.

Kahit kakakita lang namin kahapon ay miss na miss ko na siya.

"Tara na ba babe?" Sabi sa akin ni Mio at binuksan na niya na ang pintuan ng sasakyan niya.

Habang nasa byahe kami ni Mio ay nakatingin lang ako sa kanya habang nag dadrive siya. Di ko kasi maiwasang di siya tignan.

"Babe wag mo ako titigan ng ganyan baka matunaw ako wala ka ng Mio" sabi sa akin ni Mio ng pangiti ngiti pa.

"Sus di kaya kita tinitignan"
Sabi ko at iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.

Nakababa na kami ni Mio ng sasakyan at nagpunta na kami sa isang restaurant. Pinaupo na niya ako at nag order na kami.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"

Sabi ko paano kasi grabe makatingin si Mio tinutunaw na ata niya ako.

Bumabawi siguro siya sa akin.

"Gusto ko ako lang ang titingin sayo ng ganto at wala ng iba." Sabi ni Mio habang seryosong nagsasalita.

Yes Mio ikaw lang ang makakatingin sa akin ng ganyan at hindi ko hahayaang tumingin ka sa iba gaya ng pagtingin mo sa akin



******


Natapos na kaming kumain ni Mio kaya nagpasya na kaming umalis. May pupuntahan pa raw kasi at surprise nanaman daw.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon