Chapter 37

3.6K 48 9
                                    

Chapter Thirty-Seven


Althea Zara POV


Nasa school na kami ngayon medyo late nga dahil late daw nagising si Mio ganda daw ng panaginip niya kaya di siya bumangon agad. Pero ayaw naman niya ikwento sa akin.

Pero may kakaiba sa school ngayon.

At kapansin pansin din ang tingin ng mga students sa amin ngayon araw paano ba naman kasi magkahawak nanaman ang kamay namin.

Rinig na rinig nga rin naman mga bulangan nila eh. Di nalang sana nila binulong kung maririnig din namin.

"Sila na ba?"

"Oo friend holding hands eh"

"Bagay talaga sila sabi na eh si Mio ang pipiliin niya"

"Kawawa naman si Andrew ang hirap pa naman mag move on"

"Ang cute nilang tignan"

Iilan lang yan sa mga naririnig namin ni Mio hindi nalang namin pinapansin diretso nalang kami sa paghahanap ng room namin.

"Ito na pala yung room" sabi ni Mio sa akin kaya huminto kami at pumasok na sa room.

"Buti nalang wala pa si Sir" sabi ko..

Naghanap na kami ni Mio ng mauupuan at syempre magkatabi kami. Nandito na rin pala sila Mica at nasa tapat naman sila ngayon.

"Totoo ba ang tsismis?" Sabi ni Mica na umupo sa harapan ko

"Na ano?" Sabi ko habang nag aayos ng buhok.

"Na kayo na ng pinsan ko?" Napahinto ako sa pagsuklay at hinarap ang kaibigan ko at ngumiti sa kanya.

"Oo pinsan kami na nga ni Altea" sabi ni Mio na sumingit sa aming dalawa

"Congrats bro! Alagaan mo si althea" sabi ni Kervin habang hawak yung braso niya.

"OMG! Kinikilig ako" sabi ni Mica na nagtatalon sa kilig. Nakakatawa talaga siya.

"Wag mong paiiyakin si Althea ha ingatan mo puso niya pag yan umiyak ako makakaharap mo" napahinto si Mica sa pagtalon si Mica ng magsalita si Andrew.

Kita ko sa mukha ni Andrew na hindi na siya malungkot at okay naman siya sana ay wala siyang sama ng loob sa akin o kahit kay Mio.

"Hindi siya iiyak sa akin wag kayong mag alala mamahalin ko siya ng sobra." Sabi ni Mio sabay hawak sa baba ko pero inalis ko agad nahihiya kasi ako.

"Sus! Tama na ang sweet words bro!" Sabi ni Mike na parang nasusuka hahaha katawa talaga sila

"Bumalik na nga kayo sa upuan niyo ng masolo ko naman ang girlfriend ko"

Iniwan na nila kaming dalawa at tumabi si Mio sa akin kinuha nanaman niya ang kamay ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahawakan ang kamay ko. Yung puso ko nanaman nag uunahan.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon