Chapter Ten
**Mio Zayn Rivera**
Pagkaalis ni Althea nawalan na ako ng gana kumain wala naman masama sa sinabi ko. Saka hindi pa ba siya nasanay mga babae talaga.
"Ano problema nun?"
"Di ko rin alam eh" aniya ni Mica
"Lagot ka bro nabadtrip mo yata si althea"
Magsusungit nanaman sa akin yun. Wala naman akong ginawa binibiro ko lang naman siya eh.
Ang bilis bilis niya mainis pagdating sa akin.
"Hayaan niyo na nagbibiro lang naman ako eh"
"Sige ha sundan ko na muna si althea"
Tumayo na si Mica at lumabas ng canteen naiwan kaming tatlo dito.
**Mica Almazan**
Saan na kaya yung babaeng yun.
Hay naku nagugutom na ako may pa walk out walk out pa kasing nalalaman yung babaeng yun eh.
"Nakita mo ba si althea?"
Di ko alam kung saan siya hahanapin kaya nagtanong na ako sa classmate namin.
"Hindi eh"
"Ay sige thank you."
Hay bahala na nga siya ittext ko nalang siya. Nagugutom na kasi talaga ako eh. Balik nalang ako ng canteen.
**Althea Zara Alvarez**
Dito nalang muna ako mag sstay sa roof top nakakainis si Mio eh. Lagi niya ako inaasar hindi pa naman ako sanay na inaasar ng tao.
Pero masyado ko yata siyang nasungitan kanina. Pero kasalanan niya naman eh.
Pero bahala siya dyan. Naiinis pa rin ako sa kanya.
From: Mica besh
Besh! Andito lang ako sa canteen ha hinanap kita kanina pero di kita makita. Saka nagugutom na ako eh.
Tinago ko na yung phone ko pagkabasa ko ng text niya. Magpapalamig na muna ako ng ulo dito.
"Baby look whos here oh"
Napalingon ako kung sino yung nagsalita si Trixie pala kasama niya si Adrian.
Hindi ko nalang sila pinansin. Aalis nalang ako.
"Bakit ka na aalis althea dito ka muna"
"May pupuntahan pa kasi ako eh" pagsisinungaling ko.
Palabas na sana ako ng pinto pero bigla niya ako hinila at sinampal.
Nagulat ako sa ginawa niyang yun.
"HOW DARE YOU!" I said.
"Kulang pa nga yan eh"
Sinampal niya ulit ako sa kabila kong pisngi.
Sumosobra na siya!
"Stop it trixie"
"No baby kulang pa nga yan sa mga ginawa niya sa akin diba althea"
"ANO BANG PINAGSASABI MO TRIXIE!"
"Hindi mo alam? Gusto mong sabihin ko kung ano!? Diba ikaw yung bumuhos ng chocolate drinks sa akin at nag lock ng pinto sa cr!?"
Nagulat ako sa mga sinabi niya.Paano niya nalaman yun?
BINABASA MO ANG
Be My Man
Teen FictionAko si Althea Zara Alvarez na mahuhulog ang puso sa isang lalaking itago natin sa pangalang 'Mio Zayn Rivera' dahil sa kanyang natatanging kabaitan sa akin kahit na ang kulit niya. Sigurado rin naman akong gusto niya ako eh. Pero bakit nangyari sa...