Chapter Fifteen.
**Althea Zara Alvarez**
Ilang weeks na rin ang nakalipas ng matapos ang foundation day. Tapos na rin ang exam namin at lahat kami ay tuwang tuwa dahil perfect score ang test namin.
Malapit na rin matapos ang 1st semester and running for dean lister kami ni besh! Ang saya saya.
Oo nga pala 4 months ng nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Adrian akala ko hindi ko makakaya makapag move on sa kanya. Pero kahit papano may kunting pagmamahal pa rin ako sa kanya and Im sure malapit ng mawala yun.
Kanina ko pa hinihintay sila Mica dito sa canteen pero di pa sila dumadating kaya nag order na ako ng pagkain ko nagugutom na kasi ako.
"Hello Althea kamusta ka na?" Nilingon ko kung sino si Trixie at Adrian pala. Anong kailangan nila sa akin?
"Anong kailangan mo Trixie?" Saad ko.
"Mabuti naman at ayos ka lang. Pwede bang makiupo kami ng boyfriend ko wala na kasing space mag isa ka lang naman eh." Yung boses niyang parang nang aasar eh tapos di na nila hinintay ang sagot ko naupo nalang sila kaagad.
"Baby may pawis ka harap ka dito pupunasan ko dali" sabi ni trixie kay adrian. Agad naman humarap si adrian at tila gustong gusto niya.
Hay panira ng araw ang sakit sa mata.
"Hanap nalang kaya kayo ng ibang lugar kasi may mga kasama ako" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ang harsh mo naman althea. Dito muna kami habang wala pa sila" sabi ni trixie na tilang nang aasar talaga.
Sarap itali ng bunganga niya para di na siya makapagsalita eh.
"Baby sabay tayo umuwi mamaya ha. Hatid mo ako"
"Sure" sabi naman ni adrian.
Naghawakan sila ng kamay at talagang pinakita nila sa akin yung mga mata ni adrian sa akin nakatingin na parang may gustong iparating medyo nakangiti pa ang labi niya.
Anong gusto niyang iparating?
Naiirita na talaga ako sa kanilang dalawa hindi na ako nagdalawang isip pa umalis nalang ako sa harap nila. Kung di sila kakain bat sa canteen pa sila maglalandian.
Nakasalubong ko naman sila Mica papunta na sila ng canteen at tinanong nila ako kung bakit ganito itsura ko. Kwenento ko sa kanila ang nangyari. Nainis nga rin ang bestfriend ko eh.
"Tara sa ibang lugar nalang tayo kumain" sabi naman ni mike. Pumayag naman kami dahil magandang idea yun.
Nag order na kami ng pagkain namin at naghanap ng upuan.
Nag usap usap kami ng kung ano ano nakakatawa lang kasi napunta sa butiki ang usapan kamukha daw ni Kervin kaya tawa kami ng tawa.
"Yan althea mabuti naman at hindi ka na naiinis" sabi naman ni Mio.
"Dumada moves ka nanama bro!" Aniya ni Kervin.
Nagsitawanan nalang kami. Pabalik na kami ngayon para sa last subject namin mukang late na nga kami dahil napasarap ang kwentuhan namin kaya pagdating namin sa room ayun nagdidiscusss na si Sir.
"Sorry Sir late kami" sabay sabay naming sinabi.
"Wag na sanang maulit to" sabi naman ni sir tumango naman kaming lima.
Medyo mabilis naglecture si Sir kaya maaga niya daw kami papauwiin tuwang tuwa naman kami. Kaya nung natapos ang klase niyaya ako ni Mica punta ng bahay nila may paguusapan daw kami kaya pumayag nalang ako.
BINABASA MO ANG
Be My Man
Teen FictionAko si Althea Zara Alvarez na mahuhulog ang puso sa isang lalaking itago natin sa pangalang 'Mio Zayn Rivera' dahil sa kanyang natatanging kabaitan sa akin kahit na ang kulit niya. Sigurado rin naman akong gusto niya ako eh. Pero bakit nangyari sa...