Chapter 57

3K 33 3
                                    

Chapter Fifty-Seven

**Trixie Gonzalez**

"Trixie! Ano to ha? Hindi ka nanaman natanggap sa pinasukan mong trabaho! Ayos ayusin mo naman wala ka ng ginawang tama eh!"

"Im sorry mommy promise pagbubutihan ko na next time"

"Dapat lang!"

Ano ba yan trixie umiiyak ka nanaman dapat sanay ka na dito eh simula ng dumating ka sa bahay na to ganito na trato ng mommy mo sayo diba. Bat ba kasi di ka na masanay.

Bakit ba kasi ganito yung umampon sa akin ang dami daming pwedeng umampon na tao bakit sila pa. Oo tama kayo ampon ako ampon si trixie gonzalez ang saya diba ang saya ng kapalaran ko.

Okay lang naman si daddy sa akin eh ang bait niya pero yung mommy ko ubod ng sama kung ano anong pinag sasabi sa akin malapit na nga akong maging manhid eh naiintindihan ko naman yung galit niya eh di niya kasi ako matanggap.

Hindi kasi sana ako mapupunta sa ampunan kung hindi naaksidente ang mga tunay kong magulang eh bakit kasi kailangan pang mangyari yun ang daming masasamang tao bakit mga magulang ko pa!
Ang dapat talagang sisihin yung mga Alvarez na yun eh! Kasalanan nila tong lahat lalo na yung althea na yun. Kung hindi sila nagyaya ng party kung hindi nila ininvite ang mga magulang ko hindi sila maaaksidente kasama ko pa sana sila andito pa sana sila kasama ko masaya sana kami.

~*~ Flashback~*~

"Daddy ang lakas po ng ulan dito nalang po kayo please"

Iyak na ako ng iyak dito para hindi na umalis sila daddy gusto ko dito lang sila kasama ko ayaw kong iwan nila ako.

"Baby babalik kami agad okay?"

Habang binibitawan ni mommy ang kamay ko ay lalo kong hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya ayoko talaga silang paalisin.

Kahit iyak ako ng iyak para di sila umalis pero wala pa rin akong nagawa umalis pa rin sila para sa birthday party ni althea ang anak ng business partner nila daddy.

Kaya nung araw na yun nagkulong lang ako sa kwarto ko at umiyak ng umiyak 9 years old palang ako nun kaya grabe akong makaiyak.

Dahil sa pag iyak ko nakatulog ako at pag gising ko gabi na, bumaba ako at hinanap sila mommy kung nakauwi na ba sila pero wala pa rin sila tinanong ko na ang kasambahay namin pero wala pa rin daw sila kaya unti unting akong naiiyak pero pinilit kong pigilan.

Umupo ako sa sofa namin at hinintay ko sila daddy dumating pinilit kong hindi matulog kahit pinapatulog na nila ako gusto ko bago ako matulog ay makita ko na muna sila.

Biglang tumunog yung telephone kaya tumakbo ako para sagutin.

"Magandang gabi po ito po ba ang bahay nila Mr. Thirdy Gonzalez at Mrs. Loren Gonzalez?"

"Opo dito po mommy at daddy ko po sila uuwi na po ba sila?"

"Pwede bang pakibigay sa mas matanda dyan iha?"

"Sige po sandali lang po"

Dali dali akong tumakbo para tawagin sila sila yanny.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon