Chapter 66

3.1K 42 4
                                    

Chapter Sixty-Six

**Althea Zara Alvarez**

"Guys kain na ang sarap ng inihaw bakit di kayo kumukuha" sabi ni kervin habang sumusubo ng inihaw nilang baboy.

"Oo nga tikman mo dali althea"

Kumuha si Mio ng maliit na slice at isinusubo sa akin kaya kinain ko nalang din.

Habang kumakain kami ay masayang nagkwekwentuhan sila Mio nakikitawa nalang din ako para sumabay.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ang darating at kung ano ang dapat iprepare hindi nila sinasabi sa akin at pakiramdam ko ay ayaw nilang ipaalam sa akin. Kada magtatanong ako ay iniiwas nila ang kanilang tingin at iniiba ang usapan.

Kung ayaw nilang sabihin edi wag.

Natapos na kaming kumain kaya naisipan kong maglibot muna dito sa resort para makapagpahangin.

Hindi ko kasama sila Mica dahil nauna na siyang magpunta sa kwarto dahil pagod na daw siya. Si Mio naman ay hindi ko alam kung nasaan.

Naupo ako at unti unting humiga sa gilid ng pool at ibinaba ang aking paa sa may tubig medyo malamig na ang tubig dahil gabi na.

"Ano kaya ang secret nila"

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kalangitan kay gandang pagmasdan ang mga bituin.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito althea?"

Parehas kaming nakatingin sa mga bituin.

"Para magpahangin at tignan ang mga stars ang ganda diba ikaw bat andito ka?"

"Mainit sa loob"

Parehas na kaming tahimik at pinagmasdan nalang ang mga bituin.

"Naalala mo noon andrew nung unang araw tayong nagkakilala lagi kang handa para ka ngang boyscout eh" parehas kaming  natawa sa sinabi ko.

"Syempre umiiyak ka noon edi binigyan kita ng panyo tapos napatitig ka sa mukha ko ang gwapo ko kasi"

"Ang yabang hindi ka naman gwapo eh"

"Bakit ka napatitig sa akin?"

"Ewan?" Tumawa ako dahil sa totoo lang may itsura siya pero ayokong sabihin sa kanya.

"Naalala mo din ba noon 'nung sinigawan mo ako habang naglalakad ka pwede ba wag nga kayong sumunod maghanap kayo ng iba niyong pagtritripan tawang tawa ako sayo 'nun pero pinigilan ko."

Parehas ulit kaming napatawa habang inaalala ang araw na 'yun at lalo akong natawa dahil ginaya niya ang eksaktong sinabi ko pati na ang boses ko.

"Di mo lang alam kung gaano ako napahiya noon"

Grabe talaga ang kahihiyan ko noon buti nalang at si andrew 'yun.

Bumalik si andrew sa pagkakaupo kaya umupo na rin ako naging seryoso ang kaniyang mata.

"Are you okay?"

Humarap siya sa akin at tinignan niya ako ng seryoso.

"Althea. I need to tell you something"

Naging seryoso na rin ang aking mukha at tinignan din siya ng seryoso. Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang kaniyang susunod na sasabihin.

"Im inlove with Mica"

Hindi pa rin nawawala ang seryoso sa aming mga mata siguro ito na yung tamang pagkakataon para kilatisin siya.

"Sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Mabilis magalit ang kaibigan ko kaya mo bang intindihin yun?"

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon