Chapter 19

4.1K 60 4
                                    

Chapter Nineteen

Althea Zara POV

Ilang araw na ring lumipas simula nung nag usap kami ni Mio at hanggang ngayon hindi pa rin kami nag uusap.

Magsisimula na kaagad ang second semester hindi ko man lang na enjoy ang sembreak.

Andito na ako ngayon sa room at yung mga classmates ko nung first sem sila pa rin pala ang classmates ko may mga ilang nadagdag lang.

Napatingin ako sa pwesto ni Mio pero agad ko ring iniwas dahil nakatingin din pala siya sa akin. Yung puso ko ang lakas ng kabog. Kainis.

Miss ko na si Mio. Yung dating Mio.

Lumabas muna ako ng room at naglakad lakad wala kasi ako makausap sa loob eh. Naupo muna ako dito.

"Hey! Bat andito ka pa?" Tumabi sa akin si Adrian.

"Ha? Wala lang." Sabi ko naman sa kanya na walang kagana gana.

"Mukhang malungkot ka ha? May problema ba?" Sabi ni adrian.

"Wala naman" sabi ko kay adrian sabay ngiti.

"Hay naku wag ka ngang ngumiti ng pilit althea. Ngiti ka ng totoo! Ganto oh" denemonstrate ni Adrian kung paano ngumiti at natawa naman ako sa ginawa niya.

"Yan napatawa na rin kita sa wakas" sinabi ni Adrian na tuwang tuwa.

Tawa lang kami ng tawa ni Adrian dahil sa mga jokes niya. Ang sakit na nga ng tyan ko kakatawa eh.

"Althea" napatingin kami ng sabay ni Adrian kung sino yung tumawag sa akin.

"Mio" sabi ko ng may gulat. Di ko alam kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko. May sakit na ba ako?.

"Bat magkasama kayo ng girlfriend ko?" Hinila ako ni Mio at dahilan para makatayo ako sa inuupuan ko.

Akala ko nakalimutan niya na. Nakatingin lang ako kay Mio.

"Nakita ko kasi siyang malungkot kaya sinamahan ko siya. May mali ba doon?" Tumaas yung kilay ni Mio pagkatapos magsalita ni Adrian.

Hinila ako ni Mio para makaalis na doon pero nagsalita si Adrian kaya agad siyang napahinto.

"Dapat nga ikaw nagpapasaya kay althea eh pero wala ka man lang nagawa" nakangiti  si Adrian pagkatapos niyang nagsalita.

"Bat ka ba nangingialam! Ano bang pakialam mo! " Kapag sumisigaw si Mio hindi ko maiwasang hindi magulat.

"Nung kami kasi ni Althea araw araw ko siyang pinapasaya hindi tulad ng ginagawa mo sa kanya. Hindi pa kayo nagtatagal pinapaiyak mo na siya!" sabi ni Adrian. Kinakabahan na ako sa nagyayari. Alam kong pagpapanggap lang ito pero gusto kong marinig ang sasabihin ni Mio.

"Yan ba pinagmamalaki mo? Oo araw araw mo siyang pinasasaya NOON! Pero ako habang buhay ko siyang papasayahin at habang buhay ko siyang mamahalin at higit sa lahat hindi ko siya iiwan tulad ng ginawa mo! Kaya wag kang magmalaki Adrian dahil higit pa sa ginawa mo ang gagawin ko kay althea." Natahimik ako sa sinabi ni Mio parang totoo ang mga sinabi niyang salita.

Hinila na ako ni Mio pagkatapos niyang magsalita. Si Adrian hindi siya nakapagsalita.

Yung sinabi ni Mio, totoo kaya. Pero kasi pagpapanggap lang lahat ng ito kaya impossibleng totoo yun.

Hanggang ngayon naglalakad pa rin kami ni Mio papunta kami sa parking lot at hanggang ngayon hawak niya pa rin ang kamay ko.

Huminto na si Mio sa paglalakad kaya huminto na rin ako.

Walang nagsasalita sa amin ni Mio nakatayo lang kami sa ilalim ng puno malapit sa kotse niya.

Wala ba siyang balak magsalita. Ilang minuto na kaming nakatayo dito na parang mga baliw.

Hindi ko na kaya aalis na ako dito. Paalis na sana ako pero biglang hinawakan ni Mio ang braso ko.

"Aalis na ako Mio kaya bitawan mo na ako" Sabi ko kay Mio.

"Mag usap tayo althea" hinila nanaman ako ni Mio at isinakay niya ako sa kotse niya.

Wala akong idea kung saan niya ako dadalhin.

At habang nasa byahe kami walang nagsasalita sa amin ni Mio. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Hininto na ni Mio ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan ito pero napakaganda ng lugar na to. Ang daming bulaklak. Kahit saan ako tumingin bulaklak ang nakikita ko.

"Dito ako nagpupunta tuwing may problema ako. Ginawa ito ni daddy para kay mommy." So it means sakanila pala ito. Ang ganda. Ang swerte naman ni tita.

Hinila ako ni Mio para maupo. Ngayong araw puro hila nalang ginagawa niya sa akin.

"Althea, Im sorry. " Sinabi ni Mio habang nakatingin sa akin. Nakatingin lang din ako sa kanya.

"Yung sa resort sorry kung hindi kita pinapansin....sorry kung iniwasan kita althea" sabi ni Mio.

"Kinakausap kita, sinabi ko sayo na mag usap tayo Mio hindi mo man lang ako pinansin. Hindi mo man lang naisip yung naramdaman ko noon." Sinabi ko kay Mio para makonsensya siya.

"Just because we don't talk doesn't mean I don't think about you althea. Im just trying to distance myself from you." Distance?

"Distance? Bakit Mio?" Bat kailangan niyang lumayo?

"Unti unti na kasi akong nahuhulog sayo Althea di ko na mapigilan. Nagseselos ako tuwing magkasama kayo ng ex mo." nagulat ako sa sinabi ni Mio. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"H-ha?" Tanging yan na lamang lumabas sa bibig ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"Wala. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko althea. Wag ka mag alala hindi ko hahayaang lumalim ang pagtingin ko sayo."

Wala talaga akong masabi sa mga sinabi ni Mio sa akin. Tahimik lang ako. Nakatulala. Pinaprocess ang mga sinabi niya.

Bumalik na kami ni Mio sa school hindi na kami nakapasok sa dalawang subject namin kaya dapat pumasok kami sa susunod.

Kaya ito nakikinig kami sa instructor namin ng mga rules niya. Ganun lang ang nangyari sa buong oras niya. Hindi matapos tapos.

Pero mabuti naman at nagpaalam na siya akala ko kasi di na matatapos yung rules niya eh.

Pero bago sana ako umuwi gusto kong makausap si Mica gusto kong magkwento sa kanya. Kaya sumama ako sa kanya sa bahay nila.

"Besh! Excited na ako sa kwento mo. Simulan mo na dali dali. " Sabi ni Mica na galak na galak.

Kwenento ko lahat lahat kay Mica simula nung sa resort. Kaya daw pala wala ako sa mood. At yung nangyari kanina. Hindi rin siya makapaniwala gaya ko.

"KINIKILIG AKO BESH!" Sabi ni mica habang tumitili.

"Alam mo ba isa pa lang nagiging girlfriend ni Mio!" Sabi ulit ni mica. Pero agad nagbago ang itsura niya.

"Bakit besh?" Tanong ko na pagtataka.

"May ipapayo lang ako althea" napalunok ako. Seryoso na si mica.

"Don't use Mio when you badly want to move on. Kasi besh kahit hindi mo sabihin sa akin alam ko may feelings ka pa rin kay adrian. Remember you could hurt him the way you were hurt." Naiintindihan ko si Mica. Pinsan niya si Mio kaya alam kong concern siya sa kanya. Tumango ako sinabi ni Mica at nag ngitian kami.

Nagpaalam na ako kay Mica pagkatapos naming mag usap. Wag ko daw kalimutan yung payo niya sa akin.

Habang pauwi ako si Mio lang nasa isip ko. Yung mga sinabi niya hindi pa rin mawala sa isipan ko.

Why you do this to me Mio Zayn Rivera.

I can't stop my feelings for you.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon