Chapter 60

3K 34 3
                                    

Chapter Sixty

** Althea Zara Alvarez**

Habang nakaupo ako sa sahig ay tinitignan ako ni trixie parehas kaming umiiyak ngayon. Parehas naming naalala ang lahat.

"Trixie Im sorry patawarin mo ako"

"Wala ng magagawa ang sorry mo althea wala na!"

"Sorry hindi ko ginusto yun hindi ko alam na mangyayari yun sorry trixie di ko alam di ko alam patawarin mo ko"

Iyak pa rin kami ng iyak ngayon ni trixie habang nakaupo ako sa sahig ay hinahawakan ko ang mga paa niya pero tinutulak niya ako palayo sa kanya hingi ako ng hingi ng tawad sa kanya pero hindi niya ako magawang patawarin.

Alam kong sobrang sakit ng mga nangyari noon na pag sa akin nangyari ang mga bagay na yun ay hinding hindi ko makakayanan.

"Ngayon althea alam mo na ang dahilan kung bakit ko to ginagawa sayo malinaw na ba sayo ha! Kasalanan mo ang lahat!"

"Sorry trixie sorry sorry sorry talaga patawarin mo ako sa nangyari"

Patuloy na sumisigaw si trixie patuloy niyang sinisigaw na kasalanan ko ang lahat sinisisi niya ako sa lahat ng nangyari sa kanya pero sobrang pinagsisihan ko naman ang bagay na yun eh sobra sobra.

"Tama na trixie" ang sabi ni justin habang yakap yakap niya si trixie "andito lang ako tama na hindi kita iiwan trixie"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako dahil alam kong kahit ilang beses akong humingi sa kanya ng tawad ay hindi niya iyon maibibigay. Totoo naman kasing kasalanan ko at totoong ang hirap kalimutan ng mga nangyari.

"Althea umalis ka na" ang sabi ni Justin.

Kaya kahit nanginginig ang buong katawan ko ay pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa kotse ko.

Akala ko pag nagpunta ako dito magiging maayos na ang lahat matatahimik na ako sa kakaisip sa lahat ng bagay pero nagkamali ako mali lahat ng akala ko!

Sa mga taong nagdaan akala ko nakalimutan ko na ang pangyayaring yun pero ngayon bumalik ang lahat sa isip ko.

Hindi ko akalaing mangyayari to.

Ang dami kong nasaktan tao.

Ng dahil sa akin umiiyak sila, nagagawa nila ang mga bagay na hindi nila gusto.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng to! Bakit sa akin pa? Bakit ako pa! Bakit?

Hindi ba pwedeng maging maayos nalang ang lahat.

~*~

Pagkauwing pagkauwi ko ng bahay ay hinanap ko si daddy gusto kong makatanggap ng yakap galing sa kanya.

Ng makarating ako sa kwarto nila ay tumakbo ako papalapit sa kanya at agad ko siyang niyakap habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Zara, are you okay? Bakit umiiyak ang princess namin?"

Lumapit sa amin si mommy at hinihimas ang likod ko.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon