Chapter 18

4.1K 64 2
                                    

Chapter Eighteen

Althea Zara POV

Maaga akong sinundo ni Mio dito sa bahay kasi susunduin pa raw namin si Mike hindi na daw niya kasi dadalhin sasakyan niya.

At itong si Mio naman naiinis dapat daw ako lang yung susunduin niya eh sumabit daw itong si Mike kaya nakasimangot.

Andito na kami ngayon sa resort ang ganda ganda ng ambiance dito. Iniwan ako ni Mio at Mike dito sa sasakyan mag ccr lang daw muna kasi sila bago namin ilabas yung gamit.

Calling Mio Zayn ...

Hello althea , baka matagalan pa kami ni mike dito sobrang haba kasi ng pila.

Mauna na lang ako sa room Mio mainit kasi dito eh.

Sure, sure.

Bye

Binaba ko na yung tawag pagkatapos ng usapan namin. Kinuha ko na yung mga gamit ko para maiayos ko na sa room ko.

Naglalakad na ako medyo ang layo pa pala. Ang bigat bigat naman ng dala ko.

"Tulungan na kita." Tinignan ko kung sino yung kumuha ng gamit ko si Adrian pala. Teka bat di niya kasama si Trixie.

"Kaya ko na to adrian. Akin na." Kahit na mabigat yung dala ko kaya ko namang buhatin eh di ko na kailangan ng tulong niya.

"Mukhang nahihirapan ka magdala althea ibigay mo na sa akin to." Kahit kailan talaga ipipilit niya pa rin ang gusto niya.

"Mamaya makita pa tayo dito ni Trixie magselos pa yun kaya ibigay mo na sakin"  pagpupumilit ko sakanya habang inaagaw ko yung bag ko sa kanya.

"San ba room mo? Hatid na kita doon. Tara." Naglakad na siya di niya talaga binigay sa akin yung gamit ko.

Sinundan ko na lang siya maglakad. Nauna na kasi siya eh di man lang ako hinintay.

Kung di mo sana ako iniwan Adrian edi sana ang saya natin ngayon.

Naalagaan mo pa rin sana ako ngayon.

Hindi sana ako nasasaktan pag nakikita kayong magkasama ni Trixie.

"Bat di mo ko sabayan Althea?"

Nakatitig lang ako Adrian ngayon.

"Uy! Tara nga dito." Hinila niya yung kamay ko. Tinignan ko yung mga kamay namin.

"San tayo pupunta adrian?"  Pagtatanong ko kay adrian.

"Wala. San ba dito ang room mo? Kanina pa tayo naglalakad dito eh di mo tinuturo kung san room mo."  Sabi ni adrian.

"1126. Dito na pala eh."

Pumasok kami ni Adrian sa loob pinilit niya kasing sa loob niya na ilapag ang gamit ko pumayag na lang ako kasi alam ko naman ipipilit niya nanaman eh.

"Malapit lang pala dito ang room ko. 1130 sa akin." Tumango na lang ako sa sinabi ni adrian.

"Thank you sa pagtulong sa akin" sabi ko kay adrian.

"Basta pag kailangan mo tulong ko andito lang ako." Sabi naman niya.

Calling Mio Zayn.

Calling Mio Zayn.

"Bat di mo sagutin baka importante yan." Sabi ni adrian habang nakatingin sa phone ko. Sinagot ko na yung tawag ni Mio.


Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon