Chapter Thirty-One
Mio Zayn Rivera POV
Nakakainis naman oh! Akala ko wala na akong magiging kaagaw kay Althea bat pa kasi dumating yang Andrew na yan eh!
Ininom ko ng tuloy tuloy yung isang basong alak dahil sa inis ko.
"Ahhh"
Hinawakan naman ni Mike yung balikat ko "bro dahan dahan lang baka malasing ka kaagad" ang sabi niya.
"Mukhang di maganda ang mood natin ah" ang sabi naman ni kervin pagkatapos kong ubusin ulit ang isang basong alak.
"Nakakaasar yung andrew na yun eh! Nililigawan niya rin si althea" ang sabi ko habang nakatingin sa malayo.
Nagsitawan naman sila at uminom ulit. "Bro good luck hahaha" ang sabi ni kervin habang tinapik ang braso ko.
Hindi dapat ako magpatalo sa lalaking yun mas matagal na kaming magkasama ni althea kaysa sa kanya.
At sisiguraduhin kong ako ang pipiliin niya hindi yung andrew na yun. Sa akin mapupunta si Althea at di ako magpapatalo.
Althea Zara Alvarez POV
Sa wakas natapos na rin ang second semester! Ibig sabihin ay bakasyon naaaa. Saya saya naman.
Tinawagan ako kanina ni Mica gusto niya daw magbakasyon sa beach nila Mio ng tatlong araw mukhang maganda yun!
Pero hindi pa raw sigurado sana naman matuloy yun! Tatawagan niya ako mamaya para sa confirmation.
Oh! Speaking of Mica tumatawag na pala siya! Sinagot ko kaagad ang tawag niya at ang saya saya dahil tuloy kami.
Susunduin niya ako bukas ng maaga kaya mag aayos na ako ng mga gamit ko!
Nagpaalam na ako kila daddy at pumayag naman sila kaya ngayon ay papunta na kami sa beach!
Iisang sasakyan lang ang dinala namin at sasakyan ito ni Mike isa isa niya kaming sinundo.
Si Mica , andrew , mio , kervin , mike at may isang babae na katabi ni kervin sino kaya yun?
Pagdating namin sa beach ay nagpicture kaagad kaming pito! Im sure magiging masaya to.
Nagpunta na kami sa kanya kanya naming room at si Mio ang nagdala ng mga gamit ko.
"Thank you Mio" ang sabi ko pagdating namin sa harap ng kwarto ko.
"Welcome althea" ang sabi ni Mio at umalis naman siya kaagad.
Pumasok na ako sa loob at humiga sa kama. Mamaya ko na aayusin ang mga dala kong gamit.
Mamaya ay mag swiswimming kami kaya nagpalit na ako kaagad ng damit ko. At pagkalabas ko ng banto ay nagulat ako si Mica kasi andito na pala.
"Waaah! Besh ang sexy mo!" Tumayo at napahawak sa bibig niya si Mica. Natawa naman ako sa itsura niya.
"Parang ikaw hindi ah!" Parehas na kasi kaming nakapagpalit ngayon.
"Tara na sa labas at ng makapag swimming na tayo dali dali" hinila ako ni Mica palabas kaya nakarating kami kaagad sa beach!
Andito na rin pala yung mga boys at nagsimula ng mag swimming lumapit naman sa akin si Mio at inabutan ako ng t shirt. Para saan naman yan.
"Magpalit ka" ang sabi niya habang inaabot ang dala niyang damit.
"Magswiswimming ako Mio alangan namang isuot ko yan ang laki kaya" sabi ko habang pinakita ang dala niyang damit.
"Kahit na kaysa namang tignan ka ng mga lalaki dyan sa suot mo" sabi niya habang tinuturo ang suot ko. Napatingin ako kay Mica dahil bigla siyang tumawa.
"Bakit si Mica di mo pagpalitin?" Sabi ko . Parehas lang naman kasi kami ng suot eh. Ang unfair naman kung ako lang.
Pagkasabi ko naman nun ay biglang lumayo si Mica sa amin at nagsimula ng lumangoy.
"Mica! Hoy!" Sinigawan ko siya iniwan niya kasi ako eh. Pero hindi niya ako pinansin.
Naglakad naman ako at unting unting tumalikod at lumayo kay Mio.
"Saan ka pupunta althea?" Napapikit naman ako ng tawagin niya ako. Wala na talaga akong kawala.
Lumapit ako at kinuha ang hawak niyang damit at isinuot tinignan ko naman siya ng masama at ngumiti lang siya.
Hinila niya ako at nag swimming na kami.
Sinabi niyang magpalit ako eh siya wala ngang damit pang itaas pero wala siyang pakialam kahit tignan siya ng ibang babae ang unfair ng lalaking to ha.
Ganto ba siya pag naging boyfriend ko hindi siya magiging fair kung ganun ay dapat di ko siya sagutin akala mo ha.
---
Vote and Comment are really appreciated.
BINABASA MO ANG
Be My Man
Teen FictionAko si Althea Zara Alvarez na mahuhulog ang puso sa isang lalaking itago natin sa pangalang 'Mio Zayn Rivera' dahil sa kanyang natatanging kabaitan sa akin kahit na ang kulit niya. Sigurado rin naman akong gusto niya ako eh. Pero bakit nangyari sa...