Chapter 51

3.3K 47 15
                                    

Chapter Fifty-One

**Althea Zara Alvarez**

Akala ko madali lang.

Akala ko madaling sabihin na hindi ko na siya mahal.

Hindi ko akalaing ganito pala kahirap , ganito pala kasakit na sabihin mo sa taong mahal mo na hindi mo na siya mahal. Ang hirap tignan ng mga mata niyang lumuluha ng dahil sayo para bang sinusuntok at inaapakan ang puso ng paulit ulit.

Hindi ko naman ginusto lahat ng nangyari kanina hindi dapat ganoon ang mga sinabi ko sa kanya Im sure sobra ko siyang nasasaktan ngayon, gusto ko man sabihin sa kanya na oo payag akong ibalik natin sa dati ang lahat magiging masaya na ulit tayo na sobrang mahal na mahal ko pa rin siya pero paano si Justin.

Masasaktan ko si Justin.

Nasaktan ko na si Mio hindi ko na gustong masaktan pa si Justin.

I wipe my tears na kanina pa tumutulo simula ng dumating ako dito sa car ko nagsimula mg pumatak.

Pagkauwi ko sinalubong ako ni Justin, hanggang ngayon kasi andito pa rin siya bago daw siya bumalik kay tita janice gusto niya munang makasiguro na okay talaga ako.

"Hindi kita nakita sa office mo kanina althea san ka galing?"

"Ha? Ah may pinuntahan lang akong importante para sa research ng work ko"

"Kamusta naman? Okay ba?"

"Oo natapos ko na"

"That's good, tara na sa loob"

"Sure"

Mabuti nalang talaga medyo magaling akong magsinungaling kahit papano.

Ayoko kasing ipaalam kay Justin na nakipagkita ako kay Mio baka kung anong isipin niya baka mag alala pa siya.

Hindi ako makatulog iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung mga sinabi ni Mio at mga sinabi ko sa kanya.

Hinintay niya pa rin ako.

Medyo na late ako ng gising kaya late din kaming nakarating sa trabaho ni Justin mabuti nalang mabait si Miss Maxine hindi niya kami pinagalitan.

Nakita ko si Mio malapit sa office ko at nagtama ang mga mata namin kitang kita sa mata niya ang lungkot pero hindi ko masyadong pinansin atsaka pumasok ako agad sa office ko.

Althea wag mo na siyang isipin okay mag focus ka nalang sa mga papeles na nasa harap mo.

Kanina pa ako basa ng basa at paulit ulit na sa mga papel na to pero bakit hindi ko maintindihan kainis naman.

"Althea"

Napa angat ako ng ulo ko kung sino yung taong pumasok sa office ko.

"Ikaw pala andrew"

"Umm tatanungin ko lang kung tapos mo na yung research na na-assign sayo kailangan ko na kasi"

"Ah oo tapos na, wait andito lang yun eh"

Hinanap ko yung folder sa drawer ko pero bakit wala saan ko na nga ba yun nilagay. Tumayo ako para tignan sa ibang drawer pero bakit wala.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon