BOOK TWO

3.3K 41 15
                                    

Title : Getting Back Together.

Title : Getting Back Together

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



On going na ang katuloy ng story. Thank you sa patuloy na suporta.

Vote and comment are really much appreciated guys. Sana suportahan niyo pa rin ang story hanggang sa susunod na kabanata.

Bonus.

| A L T H E A |

"Mica ano bang ginawa mo sa buhok ko ang hirap suklayin"

Kanina ko pa ito sinusuklay ang sakit sakit na ng ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil tawa lang siya ng tawa hindi niya ako tulungan.

Sa susunod talaga hindi ko na ipapagalaw ang buhok ko sa kanya. At ako naman ang gagalaw sa buhok niya. Ha! Kala niya ah.

"Tutulungan kitang alisin yan pero sa isang condition"

Bigla akong napatingin sa kanya dahil bihira lang siya mang hingi ng condition at hindi madali ang condition na 'yun.

"No need. Okay lang na ako ang mag ayos ng buhok ko." Bumalik ang pagtingin ko sa salamin. Tahimik kami pareho ni Mica.

"Ano ba yan! Bakit may password na itong phone mo. Ano password dali dal
Inagaw ko agad ang phone ko na hawak ni Mica.

"Privacy" sabi ko.

Naka on pala ang data ko di ko napatay kanina sayang sa battery.

"Oh may chat ka sino kaya ito"

"Mica akin na yan. Isa"

Itong kaibigan kong to pakilamera talaga. Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa mapagod ako pero di ko pa nakukuha yung phone ko.

"Hi althea. Bukas susunduin ulit kita ha :)"

Sabi na nga ba magbabasa nanaman ito eh.

"You look so beautiful, wow bolero pala ang pinsan ko"

"Akyat tayo sa rooftop bukas ha I have a surprise, naks! May nalalaman pa siyang ganto"

"Mica tama na nga yan. Akin na" sabi ko habang inaabot pa rin ang phone ko.

"Kinikilig ka lang eh. Nangingiti ka eh. Wait lang may babasahin pa ako."

Aasarin nanaman niya ako. Wala nanaman akong magagawa kasi naman eh.

"Gusto kita althea, nagseselos ako pag tumitingin ka pa rin kay adrian tuwing umiiyak ka ng dahil sa kanya sana ako nalang ako nalang yung mahalin mo kasi ako sobrang mahal na kita"

--

"Uy! May nakakaiyak ba dyan sa binabasa mo?"

Napapunas ako agad sa pisngi ko at tumingin kay kuya.

"Sawang sawa na akong nakikita kang umiiyak please move on kalimutan mo na si Mio."

Kung sana ganoon lang kadali ang lahat. Pero kasi ang hirap hirap. Umaasa pa rin ako na babalik kami sa dati. Sana.

"I need to go" sabi ko.

Pero bago pa man ako makalabas ng pinto hinablot agad ni Kuya ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Zara sana maintindihan mo kung bakit ginawa ito ni Daddy."

Inalis ko ang kamay niya sa aking braso at umalis na.

Kahit kailan hindi ko maintindihan dahil hindi niyo pinapaintindi sa akin. Akala ko gusto nila akong sumaya. Akala ko gusto nila akong protektahan pero bakit ganito unti unti nila akong pinapatay.

END.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon