Chapter 61

3.1K 55 5
                                    

Chapter Sixty-one

**ALTHEA ZARA ALVAREZ**

Maaga akong umalis ng bahay para makapunta na sa trabaho madami pa kasing kailangang tapusin sana nga lang makapagconcentrate ako ngayong araw.

Pagdating na pagdating ko sa office ko napansin ko agad ang bouquet sa mesa kaya nilapitan ko agad.

Paniguradong galing to kay Mio.

Gustong gusto ko na siyang kausapin kaya lang pinipigilan ko ang sarili ko dahil masyado pang magulo ang lahat ayoko siyang madamay sa gulong ito.

            Sana nga lang pag kinausap ko siya ay hindi pa huli ang lahat.

Umupo na ako at sinimulang magbasa ng mga papeles dahil ang dami ko pa talagang gagawin. Sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

Nakakastress.

Nakakailang folder na ang nabasa ko at pareparehas ang sinasabi nila my gad bakit iniba iba pa nila ang folder kung parehas lang nakasulat.

"Hi"

Bigla kong naitapon ang isang folder dahil sa gulat sino ba yan at hindi muna kumatok.

Pinulot ko muna ang nahulog na folder bago siya tignan pero mas lalo yata akong nagulat ng makita ko siya.

"Im sorry nagulat yata kita" ang sabi niya na patawa tawa pa. Kahit kailan talaga ang hilig niyang mang asar.

"Bakit kasi di ka muna kumatok bigla biglang kang nagsasalita"

"Sorry. Okay? Lets eat?"

"Madami pa akong kailangang tapusin una ka na"

Kahit na gustong gusto ko siyang sabayan timing naman kasi tong mga papeles na to eh. Pabalik na sana ako sa upuan ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napahinto ako at humarap sa kanya.

"It's already 12 althea lunch break na halika na hinihintay na tayo nila Mica"

Napatingin ako agad sa orasan at oo nga 12 na ang tagal ko na palang nagbabasa at di ko namalayan ang oras.

"Di pa ako gutom Mio"

Pagkatapos kong magsalita ay tinititigan niya lang ako hindi inaalis ang tingin sa akin my gad! Bat ganyan siya makatingin.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka sumasama sa akin"

Umupo siya sa upuan ko tinitignan pa rin ako hindi niya talaga aalisin ang tingin niya sa akin. Sa tingin ko ay malapit na akong matunaw dahil sa tingin niya.

"Paghihintayin mo pa ba sila Mica? Sama ka na kasi sa amin althea"

Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya at hindi rin naman kasi siya aalis pag di ako sumama sa kanya.

"Baka gusto mo ng tumayo dyan para makapunta na tayo sa kanila Mr.Rivera"

Wala pa yatang tatlong segundo ng makalapit siya sa akin bat ang bilis niya. Sabay kaming lumabas at nagpunta kung nasaan sila Mica.

Nasa malayo palang kami ni Mio ng makita ko sila Mica na kumakaway sa amin nakakamiss pala ang ganito.

"Besh! Buti sumama ka kay Mio akala namin  babalik siya ditong nag iisa" agad na tumayo si mica para yakapin ako.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon