Chapter 63

3K 44 5
                                    

Chapter Sixty-three

**Althea Zara Alvarez**

"Wake up althea"

"Inaantok pa ako"

Nangungulit nanaman si kuya eh porket maaga lang siyang nagigising nandadamay siya inalis ko ang kamay ni kuya sa mukha ko na kanina pa tapik ng tapik.


"Lumabas ka muna kuya susunod nalang ako sa breakfast give me 5 minutes okay?"


Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot ko at tumalikod kay kuya naririnig ko siyang tumatawa pero hindi ko nalang siya pinapansin.


"Kahit kailan talaga althea antukin ka"


Akala ko titigilan na ako ni kuya pero hindi. Inalis niya ang kumot sa mukha ko at parang may biglang lumiwanag. Bakit ba ang aga aga mong nang gugulo.


"KUYA NAMAN EH NAKAKA----"


Napahinto ako sa pagsigaw ng makita kung sino ang nasa harap ko hindi siya si kuya! Tinakpan ko ang mukha ko nakakahiya naman kasi baka mamaya may muta ako sa mata tapos may laway sa bibig nakakahiya. Anong bang ginagawa niya dito ang aga aga.

Narinig ko nanaman yung tawa niya.

"Bakit althea? Sinabi ko naman sayo kagabi na aagahan ko diba"

"Hindi ko akalaing seseryosohin mo yun Mio! Labas ka na!"


"Paano kong ayoko" lumapit siya sa akin at sobrang lapit ng mukha niya  buti nalang nakatakip ang mukha ko.


Tinaasan ko siya ng kilay at tinulak siya.


"Ang baho ng hininga mo althea"


"HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MO! LUMABAS KA NA NGA! ALIS ALIS ALIS!"


Tumayo siya sa pagkakaupo at tawa pa rin siya ng tawa ganyan ba siya bumati ng good morning di ka pa rin talaga nagbabago. Kung di lang kita mahal kanina pa kita nasipa Mr. Mio Zayn Rivera.

Sinilip ko pa siya sa pinto kung nakalabas na ba siya at nung napansin kong nasa labas na siya ay agad akong pumunta ng banyo para makita ang sarili ko okay lang naman yung itsura ko eh walang muta at wala ring laway ang ganda mo talaga althea siguradong nagandahan din sayo si Mio crap! Ano ba tong pinagiisip ko!

Sinira ko na ang pinto para maligo na Im sure Mio is waiting for me.

Kaya pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako nakita ko naman si Mio na kausap si dadddy mukang seryoso ang pag uusap nila kaya hindi ko muna sila pinuntahan senenyasan ko si Mio na una ako sa labas para doon maghintay.


"Let's go?" Napatalon ako sa gulat ng magsalita si Mio.


Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon