Chapter Fifty
**Althea Zara Alvarez**
~Three years ago
Siguro pag lumayo ako hindi na nila ako magagawang saktan, sasaya sila atsaka wala na silang proproblemahin.
"Iha bakit ka umiiyak, may problema ba?"
Napatayo ako ng may lumapit sa akin na pulubi natatakot ako baka kung ano gawin niya sa akin.
"Wag kang matakot iha hindi kita sasaktan hindi ako masamang tao madumi lang ako at medyo mabaho"
Hindi ako nagsasalita basta bumalik ako sa pagkakaupo ko yakap yakap ko ulit ang tuhod ko.
"Kung ano man ang nararamdaman mo iha lilipas din yan normal lang sa isang tao ang masaktan tulad ng nararamdaman mo ngayon"
"Bakit po? Bakit kailangan pang masaktan?"
Hanggang ngayon tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko.
"Iha kakambal ng pagmamahal ang sakit kaya ka nasasaktan dahil nagmamahal ka."
Ako na nga tong nagmamahal ako pa tong nasasaktan. Ang sama naman sa akin ng kapalaran ko.
"Kung ganoon naman po ang mangyayari mas gugustuhin ko nalang wag magmahal dahil kada nagmamahal ako parang pinapatay ako ng dahan dahan dahil sa mga ginagawa nila sa akin. Deserve ko po ba ito?"
"Lahat tao umiiyak at nasasaktan wag mong isipin na ikaw lang hindi mo deserve yan iha sila ang hindi deserve sayo dahil sinaktan ka nila kaya tigil na iha hindi mo sila dapat iyakan"
Napatingin ako sa mga dumating na kotse at sa tingin ko ay sila Jarvis yun hindi nila ako pwedeng makitang ganito ayokong makita nilang umiiyak ako kailangan ko ng umalis.
"Lolo thank you po sa pagdamay sa akin pero kailangan ko na pong umalis. Pag may naghanap po sa akin wag niyo po akong ituturo ha please lang po. Sana magkita po ulit tayo."
Tumakbo ako papalayo sa kanila wala na akong pakialam kahit san ako mapunta basta wag lang nila ako makita ngayon ayokong makita nila akong mahina.
Lumingon ako sa likod ko kung nakalayo na ba ako buti naman medyo malayo na ako.
Pero pagharap ko ay may nakaharang na lalaki kaya naman napaupo ako sa lakas ng impact.
"Are you okay?"
Ang sabi ng isang lalaki sa harap ko habang tinutulungan niya akong tumayo.Naisip ko swerte pa rin ako kasi dumating tong lalaki to mukha naman siyang mabait eh sasamtalahin ko nalang muna.
"Ilayo mo ko dito please isama mo ako sa inyo ayokong makita nila ako"
Bahala na kung ano man ang isipin niya sa akin kailangan ko lang talaga siya ngayon."Miss ayokong madamay sa kalokohan mo kaya bitawan mo na ako"
Lalo akong naiyak nang sabihin niya yun dahil pag hindi siya pumayag ay makikita nila ako at pag nangyari yun ay makikita ko nanaman ang mga taong nananakit sa akin.
"Maawa ka naman sa akin oh please"
"Okay okay halika na nga"
BINABASA MO ANG
Be My Man
Teen FictionAko si Althea Zara Alvarez na mahuhulog ang puso sa isang lalaking itago natin sa pangalang 'Mio Zayn Rivera' dahil sa kanyang natatanging kabaitan sa akin kahit na ang kulit niya. Sigurado rin naman akong gusto niya ako eh. Pero bakit nangyari sa...