Chapter 46

3.2K 42 5
                                    

Chapter Forty-Six


**Mio Zayn Rivera**

Malapit na ang graduation tatlong linggo nalang tapos na pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita.


I want to see Althea! Sobrang miss ko na siya ilang taon ko na siyang hindi nakikita para na akong mababaliw dito kakaisip sa kanya ang sabi niya babalik siya agad pero bakit wala pa rin siya!

Three years ng wala si althea.

"Miss isang bote pa!"


Gabi gabi akong umiinom gabi gabi akong nagpapakalasing para saan? Syempre para mawala ang sakit na nararamdaman ko para kahit papano makalimot ako makalimutan kong ako ang pinaka dahilan ng pagkawala ng babaeng mahal ko!

Ininom ko ang isang bote ng beer ng tuloy tuloy atsaka umalis na.

------

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nakaramdam ako ng sakit ng ulo.

Kainis naman!

I do my everyday routine ligo kain at alis ng bahay papuntang school.

Normal na sa akin ang pagtinginan at pagbulungan ng mga student simula ng mawala si Althea pero wala akong pakialam.

Pumasok na ako ng room namin at napatingin nanaman ako sa upuan ni Althea nagbabakasaling nakaupo na siya dyan pagpasok ko pero wala pa rin.

Pero may babaeng nakaupo doon hindi ba niya alam na walang pwedeng umupo sa upuan ni Althea.

"Excuse me Miss pero alam mo bang wala dapat umupo dito dahil isang tao lang ang pwedeng umupo dyan" ang sabi ko habang tinuturo ang upuan.

Tumayo rin naman ang babae at sinigawan ako "Excuse me rin Mr.Rivera pero hindi niya na to pagmamay ari hindi na nga siya pumapasok ilang taon na nga diba atsaka wala kang karapatang pagbawalan ako dahil pareho lang tayong studyante dito!"

Shes annoying! Ang lakas ng boses niya.

Kinuha ko ang kamay niya at inilayo sa upuan ni althea.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Hindi ka na babalikan ni althea dahil ang pangit ng ugali mo!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng babaeng yun.

Somosobra na siya!

Binalewala ko nalang ang sinabi niya dahil alam ko namang hindi totoo alam kong babalik si Althea.

"Ano hindi ka makasagot kasi totoo! Ang yabang mo kasi!"

Sa pagkakataong to ay hindi ko na siya pinalagpas bumalik ako sa harapan niya tinignan siya ng masama pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

All my classmate are looking with us now and I don't care about it!

"Wala kang alam miss hindi mo alam buong kwento kaya wala kang karapatan sabihin yan sa akin hindi mo alam kung ano ang nangyayari at hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko! Gamitin mo ang utak mo hindi ang tainga mo."

Pagkatapos kong sabihin sa babaeng yun ang gusto kong sabihin ay lumabas na ako ng room nawalan na ako ng ganang pumasok dahil sa kanya.

Sumakay ako sa kotse ko at pinuntahan ko ang paboritong lugar namin ni althea.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon