Chapter 42

3.2K 42 1
                                    

Chapter Forty-Two


Althea Zara Alvarez POV

Dali dali akong tumakbo palabas kahit na nanlalabo ang paningin ko at kahit na pinagtitinginan ako ng mga taong nakakakita sa akin ay wala na akong pakialam.

Nasasaktan ako!

Nakita kong andoon pa rin ang sasakyan ni Andrew kaya binilisan kong makarating doon.

Nahihiya man akong magpakita kay andrew na umiiyak pero no choice ako ayoko namang mag commute.

Pumasok ako sa kotse at patuloy pa rin ang pag iyak at hikbi ko.

Hindi ako humaharap kay andrew ayokong makita niya ang mga luha ko pero napakaobvious ko dahil ang lakas ng hikbi ko!

Hindi ako tinanong ni Andrew kung bakit o ano ang nangyari kundi niyakap niya lang ako at tinap ang likod ko at naging dahilan para lalo akong umiyak at humagulgol.


Patuloy akong umiiyak patuloy na hindi nagsasalita at patuloy akong nakayakap kay Andrew I badly need this. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya sa akin to.

"Althea" pagbanggit ni andrew ng pangalan ko.

"Dont ask please... Stay with me now andrew"  sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi naman na muling nagtanong si andrew pagkasabi ko nun at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami umaalis sa lugar na to.

Pinipilit kong hindi isipin ang nakita ko kanina pero kahit anong pilit ko ayaw mawala sa isipan ko.

"Iuuwi na kita althea" ang sabi ni andrew kaya umalis na ako sa pagkakayap niya at pinunasan ang luha ko.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Thank you andrew" ang sabi ko habang nakatingin sa kanya tumango naman siya bilang sagot niya.

Bumaba na ako sa sasakyan ni Andrew at dali dali akong umakyat sa kwarto ko. At ano pa nga ba ang gagawin ko kundi ang umiyak! Umiyak ng umiyak.

Alam mo althea hindi ka dapat umiyak hindi tamang iyakan ang lalaking yun niloko ka niya hindi niya deserve iyakan!

Tumayo ako sa pagkakadapa ko at humarap sa salamin nakita ko ang  mata ko na magang maga na kakaiyak. I hate seeing myself crying.

"Kakasimula palang natin Mio pero bakit ganito? Bat ganito na ang nangyari?" Nagsisimula nanaman mahulog ang luha ko.

Napatingin ako sa phone ko dahil tumunog ito pero hindi ko pinapansin ayoko munang may makausap ngayon.

Pero ayaw tumigil kakatunog kaya tumayo ako para tignan ang tumatawag and I saw the name of a person who is the reason why Im hurt.

Hindi ko sinagot ang tawag niya kundi pinatay ko at inoof ko ang phone ko. Ayaw ko siyang makausap. Ayokong marinig ang boses niya at lalong ayokong marinig muli ang mga kasinungalingan niya.

*****

Hanggang ngayon di pa rin ako bumabangon sa higaan ko ayokong pumasok ayokong makita si Mio dahil siguradong masasaktan at iiyak lang ako.

Nagtalukbong ulit ako ng kumot ko at pumikit. Nararamdaman ko nanaman ang mga luha ko sa pisngi ko ito nanaman iiyak nanaman ako wala na akong ginawa kundi ang umiyak.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon