Chapter 54

3.1K 64 4
                                    

Chapter Fifty-Four

**Mio Zayn Rivera**

"Akala ko ba nilalamig ka na bakit andito pa tayo sa labas?"

Hindi ko sinasagot si Annika gusto ko lang kasi makapag isip ngayon at isinama ko siya para humingi ng advice sa mga naiisip ko.

Kanina habang nasa byahe kami napapansin kong tingin siya ng tingin sa direction ko hindi ako 100% sure tapos kanina habang kumakain kami hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Annika paano kapag hindi makatingin ng diretso sayo ang isang tao?"

Tinignan ko si Annika at nilagay niya ang daliri niya sa labi niya sa palagay ko ay nag iisip siya.

"Wait! Si althea ba yan?"

Hindi ako sumagot sa kanya at tumingin ako sa ibang direction.

"Sabi na eh. Alam mo tingin ko nakokonsensya siya kasi nasaktan ka niya or kaya ayaw ka lang talaga niya makita."

"Ayaw niya akong makita? Sa gwapo kong to ayaw niyang makita?"

"Yuck naman Mio! Lalo kang pumangit no dahil dyan sa mga sugat at pasa mo"

Tumingin ulit ako sa langit ang ganda kasi ng mga stars kasing ganda ni althea. Sana makita ko ang mga ngiti niya ngayon , nakakalungkot  ngayong araw di ko man lang siya nakitang ngumiti.

Nainis pa yata siya kanina dahil nagmadali siyang naglakad at nilagpasan niya kami iniwan niya nga si Mica eh bakit kaya anong nangyari sa kanya. Hindi kaya nagseselos siya.

Hindi hindi hindi  impossible naman ang iniisip ko may Justin na siya.

Pero bakit siya maiinis nung ginawa ko yun kay Annika.

"Hoy nababaliw ka na ata ngumingiti ka mag isa"

"Halata ba?"

"Ganyan ba talaga ang broken heart nababaliw nakakatakot tuloy mainlove"

Hindi pa rin maalis sa mga labi ko ang ngiti ko kung totoo nga ang naiisip ko ay mahal niya pa rin ako.

"Diba sabi mo tutulungan mo kong mabawi si althea, sinabi mo yun naalala ko"

"Ano bang nasa isip mo ha?"

"Basta! Tulungan mo nalang ako saka sumakay ka nalang sa trip ko ha. Tara na matulog na tayo good night Annika thank you talaga!"

** Althea Zara Alvarez **

Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama ko kung ano ano na ginawa kong posisyon pero bakit ang hirap matulog.

Hindi nawawala sa isipan ko si Mio at Annika kanina pa kami nakabalik dito ni Mica pero wala pa rin si Annika hanggang ngayon. Saan naman kaya sila nag punta.

Its already 10 pm dapat ay andito na siya hindi niya ba alam na babae siya hindi dapat siya nagpapagabi sa labas kasama ang isang lalaki.

"Mica text mo nga si Annika sabihin mo gabi na"

"Hayaan mo na siya malaki na yun saka kasama niya naman si Mio kaya wag ka mag alala"

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon