Wala kaming pasok ngayon dahil weekend kaya andito lang ako ngayon sa bahay.
Nakahiga
Nanunuod ng tv
At
Kumakain lang ang ginagawa ko.
Bumaba ako at nagpunta sa garden dahil wala na akong magawa sa kwarto ko.
Wala ngayon si kuya kaya wala akong kakulitan.
Nakaupo ako sa may upuan at pinagmamasdan ang mga bulaklak ng biglang may nag doorbell.
Binuksan naman ni yanny at pagtingin ko ay si Mio.
"Good morning althea" sabi ni Mio na may hawak na paper box.
Napatayo naman ako para salubongin siya at bumati din ng good morning sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito Mio?" Sabi ko habang nakaupo kami.
Inaabot niya sa akin yung hawak hawak niya.
"Suot mo yan magbihis ka na dali" ang sabi niya pagkaabot niya.
"Bakit?" Saan tayo pupunta?" Sabi ko.
Hindi niya ako sinasagot basta magbihis nalang daw ako.
Nagpunta naman ako kaagad sa kwarto at nagbihis na.
Infairness maganda ang nabili niyang damit.
Bumaba na ako kaagad pagkatapos ko magbihis. At tumayo na rin kaagad si Mio pagdating ko.
"Yanny isasama ko na po muna si althea balik po kami before 10" sabi ni Mio kay yanny.
"Sige po sir ingat po kayo" ang sagot naman ni yanny.
Saan ba talaga kami pupunta ni Mio.
Sumakay na kami at umalis na ng bahay.
"Diba sabi ko sayo gusto kitang masolo kaya wag ka ng umangal. Okay?" Sabi ni Mio habang nagdridrive.
"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko kung san man tayo pupunta Mio ha" sabi ko.
Hindi siya sumagot at tanging ngiti lang.
Nakarating na kami sa isang beach. I mean napakagandang beach. Hindi siya ordinaryong beach sobrang ganda talaga.
Hindi ko akalain na may ganto pa kagandang beach.
"Ano althea nagustuhan mo ba?" Ang sabi ni Mio.
"Oo naman. Paano mo nalaman tong lugar na to?" Sabi ko ng nakatingin pa rin sa dagat.
"Kasi sa amin to" nagulat ako sa sinabi niya.
Sakanila pala tong beach na to. Ang yaman talaga nila.
Hinila na ako ni Mio papunta sa isang restaurant.
Namangha ulit ako dahil kakaiba ang mga restaurant dito ang ganda talaga.
"Hello po Sir." Ang sabi ng isang babae. Staff siguro siya dahil sa suot niya.
Pumasok kami ni Mio sa isang Restaurant wala masyadong tao di katulad sa iba.
At lahat ng staff ay naka bow habang dumadaan kami ni Mio.
Pumasok ulit kami ni Mio sa isang room at nakita kong isang mesa lang ang nakalagay.
Hindi masyadong maliit at hindi rin masyadong malaki ang room.
Inalalayan ako ni Mio para makaupo. At pagkatapos ay dumating na rin ang pagkain namin.
"Wow ang daming pagkain at mukhang masasarap pa." Ang sabi ko.
Tinignan ko si Mio at nakangiti lang siya sa akin kaya nginitian ko din siya.
Kinuha ni Mio ang pagkain at nilagyan niya ang plato ko.
"Tikman mo yan althea masarap dali." Ang sabi ni Mio.
Pero kukunin ko na sana yung kutsara ko ng inunahan ako ni Mio.
Kumuha siya ng pagkain at isinubo niya sa akin.
"Ang sarap nga!" Sabi ko naman.
Ngumiti lang ulit siya.
Bat ba ang hilig niyang ngumiti.
"Althea dapat subuan mo rin ako para fair" sabi ni Mio.
Kaya pala sinubuan niya ako para subuan ko rin siya loko loko talaga to.
Pinagbigyan ko siya kaya sinubuan ko rin siya.
Natapos kami kaagad kumain dahil siguro masasarap ang pagkain.
Lumabas kami ni Mio sa restaurant at naglakad lakad.
Hinila ako ni Mio dahil may nakita siyang photographer gusto niya daw magpapicture.
"Kuya picturan niyo nga po kami." Sabi ni Mio.
Nakapwesto na kami ni Mio at nakangiti na ako ng bigla akong akbayan ni Mio kaya napatingin ako sa kanya eh sakto naman ang pag shot ni kuyang photographer.
Tumakbo naman si Mio para makalapit kay kuyang photograper at tinignan ang picture.
"Hahaha ang cute naman nito." Sabi ni Mio.
Binigyan kami ng tig isang copy ni kuya.
"Akin na yung wallet mo althea" sabi ni Mio.
Nagtaka naman ako kaya hindi ko ibinigay.
"Dali naaaa" sabi ni Mio at nagpa cute pa.
Binigay ko nalang sa kanya at di na nagtanong.
Inalis niya yung picture ko sa wallet at inilagay niya yung picture naming dalawa doon.
"Wag mong aalisin yan ha dapat andyan yan palagi" sabi ni Mio.
Tumango nalang ako bilang sagot ko baka kasi umiyak pa siya pag di ko pinagbigyan.
Naglakad na ulit kami ni Mio sa tabing dagat buti naman at di na masyadong maaraw.
Siguro ay isang oras na rin kami naglalakad kaya sumakit na ang paa ko.
Umupo ako sandali para magpahinga lumapit naman sa akin si Mio.
"Pagod ka na ba?" Sabi ni Mio at pinantayan niya ako.
Tumango ako bilang sagot ko.
Tinalikuran niya naman ako at pinapasakay niya ako sa likod niya.
Sumakay naman ako kaagad. Kaya naglakad ulit kami.
"Mabigat ba ako Mio?" Sabi ko.
"Oo magdiet ka na kasi althea" sabi niya naman. Grabe to.
"Grabe ka! Ang payat ko kaya " sabi ko naman.
Totoo naman kasi payat ako.
Huminto si Mio sa paglalakad.
"Baba ka na sakit na ng likod ko" sabi ni Mio habang tumatawa.
"Ayoko nga gusto ko pa dito lakad na dali" sabi ko naman.
"Hindi naman pwedeng ganto tayong sasakay ng kotse althea." Sabi ni Mio.
Andito na kasi sa harap ng kotse niya.
Bumaba na ako sa likod niya at sumakay na ng kotse. Mabilis kaming nakarating ng bahay.
"Susunduin kita bukas althea hintayin mo ko" sabi naman ni Mio habang nakatingin sa akin.
"Agahan mo ha. " Sabi ko naman.
Nagpaalam na ako kay Mio at bumaba na ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Be My Man
Teen FictionAko si Althea Zara Alvarez na mahuhulog ang puso sa isang lalaking itago natin sa pangalang 'Mio Zayn Rivera' dahil sa kanyang natatanging kabaitan sa akin kahit na ang kulit niya. Sigurado rin naman akong gusto niya ako eh. Pero bakit nangyari sa...