Chapter 49

3.5K 45 1
                                    

Chapter Forty-Nine

**Mio zayn**

Ang lawak ng ngiti sa amin ni Althea ng makita niya kami.

Napapatitig nalang talaga ako sa kanya tapos hindi nanaman ako makagalaw sa kinatatayuan ko nagwawala nanaman ang puso ko.
Lumapit siya sa amin isa isa at niyakap niya kami para akong kinuryente sa mga hawak at yakap niya sa akin kahit saglit lang.

"Besh bakit ba ang tagal mong nawala bat mo kami iniwan? Alam mo ba hinanap ka namin kung saan saan."

"Shhhh stop crying Mica namiss kita halika nga payakap ulit"

"Wag ka na ulit aalis ha magagalit na talaga ako sayo pag inulit mo pa"

"Hinding hindi na besh"

"Hindi mo alam kung gaano ako nalungkot ng mawala ka iniwan mo ako ng tatlong taon besh"

"Im sorry Mica promise di ko na iiwan ang bestfriend ko"

"Mag kwento ka sa akin ha!"

"Excuse me pinapatawag na po kayo sa loob"

Naghiwalay na sila ng yakap dahil sa nagsalitang employee pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.

Sasabayan ko sana maglakad si althea kaya lang naunahan ako ni Justin pati sa upuan ay sila ang magkatabi.

Debale bibilisan ko pa sa susunod para ako na ang mauna.

"Bro sino yung lalaking yun?" Pagtatanong ni Andrew sa akin.

"Siya daw yung tumulong kay althea" sabi ko

Habang naglelecture sila amin ay kay althea lang ako nakatingin ang amo pa rin ng mukha niya ganoon pa rin yung mga ngiti niya.

Mahal pa kaya ako ni althea? Ako pa rin kaya? Kasi ako siya pa rin ang mahal ko. Sana wala pa ring nagbabago.

Pagkatapos ng orientation namin nilapitan ko agad si althea.

"Hi althea" masigla kong bati sa kanya.

"Ikaw pala Mio kamusta?" ngiting sagot naman niya sa akin

Ang lakas pa rin talaga ng tama ko sa kanya.

"Ito sobrang saya sa pagbabalik mo, oo nga pala congrats ha"

"Congratz din sa inyo Mio by the way I gotta go my lakad pa kasi kami ni Justin bye see you"

Bago umalis si Althea ay hinalikan niya ako sa pisngi at automatic nanaman akong napangiti.

Pwede bang isa pa? Nakakabitin kasi eh.


Grabe ka talaga sa akin althea.

Natulog ako ng maaga ngayong gabi para magising ako ng maaga.

At dahil maaga akong nagising ako ang naunang dumating saktong wala pa naman sila.

"Excuse me Sir dito po ang office niyo sumunod po kayo sa akin"

Sinundan ko siya at bumungad sa akin ang isang opisina na sobrang ganda at linis.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon