Chapter Sixty-Nine
**Althea Zara Alvarez**
Nadisgrasya?
Si Mio?
NO!
"Kervin alam mo bang hindi magandang biro yan"
Napapataas na ang boses ko kay Kervin hindi dapat niya sinasabi ang ganoong bagay. Kinakabahan ako at natatakot.
Mag iingat si Mio sa pagdadrive hindi niya ipapahamak ang sarili niya kaya hindi ako naniniwalang na aksidente siya. Magkikita kami bukas kaya hindi pwede yung sinasabi ni Kervin. Hindi.
"Im sorry Althea but Im telling the truth."
Seryoso ang mukha ni Kervin at hindi mo mababakas ang pasisinungaling. Parang tumigil ang mundo ko. Nanghihina ang mga tuhod ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang oras lang siyang nawala sa tabi ko tapos ganito na ang mangyayari.
Natatakot ako. Walang pwedeng may mangyari sa kanyang masama hindi pwede! Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang makita.
Lumapit muli ako kay Kervin at hinawakan ang kaniyang mga kamay.
"Asan siya Kervin puntahan natin siya"
Nag iwas siya ng tingin sa akin at tumingin kay kuya jarvis kaya napatingin din ako sa kanya.
Whats happening! Bakit parang wala silang pakialam sa nangyari bakit di man lang sila mag panic. My gad! Kaibigan nila yung tao bakit di man lang sila mag madaling puntahan siya.
Gusto ko silang itulak ng malakas para gumalaw sila at magsalita pero di ko magawa dahil nanghihina ako.
"Kervin" mula kong sinabi.
Napatingin siya sa akin at hindi ko maipaliwang ang nakikita kong expression ng kaniyang mukha.
"Dumito ka na muna althea please kami na ang bahalang pumunta doon" aniya ni kervin.
"Sasama ako. Hindi ako magpapaiwan dito gusto kong makita si Mio"
Lumapit sa amin si kuya jarvis at hinawakan ang kamay ko kaya tinignan ko siya.
Pumapayag siyang magpaiwan ako dito?
"No! Sasama ako kuya, bakit ba hindi pwedeng sumama. Pwede naman tayong pumunta lahat ha."
Dapat pala pinilit ko nalang si Mio kanina dapat ay sumama nalang ako sa kanya para hindi ganito ang nararamdama ko ngayon. Hindi sana ako nag aalala.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Mio. Nagriring ito pero hindi niya sinasagot.
"Kervin please. Kuya naman" I said.
Nagmamakaawa ako sa kanila na isama ako pero bakit ganoon. Hindi ko sila maintindihan.
"Im sorry althea" kervin said.
Kinalas ko ang pagkakahawak sa akin ni kuya kaya nabitawan niya ako. Iniwan ko sila doon, nakakainis sila. Gusto kong puntahan si Mio gusto ko siyang makita. Mamatay ako pag naghintay lang ako dito. Mamatay ako sa sobrang kaba sa sobrang pag aalala.
Mio please be safe.
"Althea!"
Hindi ko nilingon ang pagtawag sa akin ni Kuya kundi lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Habang naglalakad ako ay pinupunasan ko ang tumutulong luha sa pisngi ko. Gusto kong malaman kung bakit hindi nila ako isama. I hate them.
BINABASA MO ANG
Be My Man
Teen FictionAko si Althea Zara Alvarez na mahuhulog ang puso sa isang lalaking itago natin sa pangalang 'Mio Zayn Rivera' dahil sa kanyang natatanging kabaitan sa akin kahit na ang kulit niya. Sigurado rin naman akong gusto niya ako eh. Pero bakit nangyari sa...