Chapter 4

7.3K 95 0
                                    

Chapter Four

**Althe Zara Alvarez**

Sa wakas natapos rin ang assignment grabe kasi si Sir first day na first may pina assignment na.

Bigla akong napatingin sa pintuan ko ng biglang bumukas si kuya pala.

"Ikaw pala kuya!"

Ang sabi ko pagkapasok niya sa kwarto ko.

" Bakit di mo sinasabi ?"

" Sinasabi ang alin kuya?"

"Patuloy mo pa rin bag itatago na wala na kayo?"

Nabitawan ko ang hawak kong ballpen sa sinabi ni kuya nakatingin lang kami sa isa't isa pakiramdam ko galit si kuya dahil sa mukha niya.

"Diba sinabi ko naman sayo na kapag niloko ka nung taong yun sabihin mo sa akin  dahil uupakan ko yung siraulong taong yun!"

  Nakakatakot si kuya galit na galit siya. Kinakabahan ako. Ayokong sabihin sakanya dahil ayaw kong masaktan si Adrian natatakot ako baka suntukin niya.

"Okay lang ako kuya wag kang mag alala"

"Baliw ka na ba Zara!? Sila maloloko mo pero ako hindi!"

Hindi ko  na napigilan ang mga luha ko kusa na sila bumababa na parang gripo. Niyakap niya ako habang umiiyak.

Oo kuya sobrang sakit ng ginawa niya ang sakit sakit.

" Sige lang iiyak mo lang. Makakalimutan mo rin yung siraulong taong yun!"

~*~~

Walang pasok ngayon kaya makakatulong ako sa preparation sa wedding.Bukas na kasi Wedding nila daddy.

Pinuntahan ko si Tita Chesca sa sala habang hinihintay namin si daddy.

"Hi  Tita Chesca" bati ko sabay halik sa pisngi niya.

" Zara! Namiss kita" sabay yakap niya sa akin.

Ang ganda ganda talaga ni Tita sobrang bait niya pa parang si mommy lang kaya nga botong boto ako sa kanya eh hindi siya tulad ng ibang stepmom na ang pangit ng ugali. Tinuturing niya kaming parang totoo niyang anak.

"Ako rin tita excited na po ako para bukas dito ka na po kayo titira"

" Kaya nga eh gusto ko sana simula bukas mommy na tawag niyo sa akin"

"GUSTO KO YAN TITA!"

Niyakap ko muli si tita chesca ng mahigpit for almost four years wala akong tinawag na mommy kaya sabik na sabik akong matawag na mommy si tita chesca.

"Mukang ang saya ng usapan niyo dyan ha" 
Parehas kaming kumawala sa pagkakayap ni tita chesca para salubongin si daddy pababa ng hagdan

"Andyan ka na pala Hon"

Nagyakapan na sila nakakainggit naman.

Naalalanko nanaman si Adrian bigla nanaman akong nalungkot pero dapat di ko na siya iniisip eh ang dapat maging masaya ako. Tama tama. Wag isipin si Adrian nakakamatay.

"Ang sweet niyo naman sali naman ako dyan" Nakiyakap na rin ako sa kanila.

"Bakit kayo lang? Sama naman ako! "

Dumating na rin pala si kuya kaya magkayakap na kaming apat saya saya!

"O siya tara na at marami pa tayong dapat ayusin" agad naman kumawala si daddy nagmamadali siya eh halatang excited.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon