Chapter 2

7.6K 98 4
                                    

Chapter Two

**Althea Zara Alvarez**

Hindi na ako nagulat sa sasabihin niya expected ko na to eh sobrang sakit.

"Babe naman eh ang aga aga pinapaiyak mo ako." 

Pinunasan ko yung luha ko na biglang bumagsak sa pisngi ko kahit pigilan ko ayaw magpapigil ng mga luha ko.

"Sorry Althea pero ayoko na sawa na ako."

Sawa na siya?

Bakit? 

Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya eh.

"Bakit Adrian? Ano ba nagawa ko? Minahal naman kita ng sobra diba di naman ako nagkulang eh! Binigay ko naman lahat ng pagmamahal ko sayo pero bakit ganito?"

Hinawakan ko na ang mga kamay niya hindi ko kaya to.

" Wala kang pagkukulang sa akin althea ako lang naman eh ako ang may problema di ikaw sana maintindihan mo ako "

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito?

" Paano ko maiintindihan Adrian kung hindi mo sinasabi sa akin ang  dahilan!? Okay naman tayo diba? Wala naman tayong problema eh. Paano na yung pangako mo kay mommy di mo na tutuparin  aalagaan mo ako diba di mo ako sasaktan diba pero ano nangyari Adrian!?"

Tuloy tuloy kong sinabi sa kanya. May pangako siya kay mommy simula bata palang kami na aalagaan niya ako hanggang pag tanda namin hindi niya ako pababayaan at lalong hindi niya ako sasaktan.

Umaasa ako.

" Sorry althea pero di ko na matutupad 'yun"

Bigla ko siyang sinampal sa mga sinabi niya pinaasa niya lang ako sinungaling siya hindi na dapat siya nangako kung hindi niya man lang tutuparin 'yun.

" Dahil ba to kay Trixie!?"

Kahit alam ko na yung sagot tinanong ko pa rin. Inaasahan kong hindi ang sagot niya.

" Oo " Sinabi niya ng nakayuko

Bat parang and dali dali lang sa kanya. Walang kahirap hirap. Ang dali niyamg sirain ang pangako niya hindi niya inisip na may masasaktang tao.

" No! Adrian hindi ako makikipag hiwalay sayo akin ka lang okay? Tutuparin mo promise mo kay mommy diba? I love you!" sinabi ko sa kanya yan habang nag mamakaawa sa kanya.

" Sorry Althea di na kita mahal"

Pagkasabi niya ng mga salitang yan bigla nalang naalis pagkakahawak niya sa akin at tuluyan na niya akong iniwan na nag iisa at umiiyak.

Hindi na niya ako mahal?

This is not true.

"Please adrian don't do this to me I love you so much binigay ko  lahat ng pagmamahal ko sayo akin ka lang"

Habang sinasabi ko ang mga salitang yan hindi ko maiwasan umiyak ng umiyak ang sakit sa puso ang sakit sakit unti unting nanlalabo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.

**Someone's POV**

First day of college life pero walang magawa sa classroom yung mga professors hindi man lang sumipot.

Dapat talaga nagpalipat na ako ng school for a change.

Niyaya ko ang dalawang kong kaibigan para maglibot at maglakad lakad  pero tumanggi sila kaya mag isa lang akong naglalakad ngayon.

Nakita ko si Althea papunta sa gym wala pang tao ng ganito oras doon ah masyado pang maaga lumingon lingon ako kung may kasama ba siya pero wala.

Kilalang kilala ko si Althea kahit na hindi niya ako kilala paano ba naman kasi kapansin pansin talaga yung kabaitan niya kahit na hindi ka niya kilala ngingitian ka niya saka palagi siyang kwenikwento sa akin ng pinsan ko.

Ng makapasok ako ng gym ay naririnig ko siyang tinatawag ang boyfriend niya.

Gusto ko na sanang umalis dahil baka magkikita sila dito pero parang may pumipigil sa akin.

Nakita ko siyang nagtago sa gilid kaya nagtago rin ako. Anong tinataguan niya balak niya bang gulatin yung boyfriend niya pag lumabas yun sa dressing room.

Kakaiba talaga.

Napansin kong may tumulong luha sa pisngi niya pero agad niya itong pinunasan. Anong nangyayari.

Nakita kong lumabas yung boyfriend niya at ang isang babae magkahawak sila ng kamay pero inalis din nila ito agad ng makita nila si althea.

Kaya pala siya umiyak dahil sa kanilang dalawa.

Mangloloko pala yang lalaking yan eh! Hindi niya deserve si althea!

Nakita kong lumabas na yung babae na sobrang lawak ng ngiti. Ahas!

Mukhang seryoso ang usapan nila althea hindi ko na dapat marinig ang pag uusap nila kailangan nila ng privacy.

Dahan dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at nagmadaling tumakbo palabas.

~*~~

"Uy pinsan bakit nagmamadali ka?"

Bigla akong napatalon sa gulat ng hablutin ni Mica ang kamay ko.

"Ha? Wala wala"

Gusto ko sana sabihin lahat ng mga narinig ko kaya lang wala na akong karapatam doon hindi dapat sa akin malaman ni Mica ang lahat.

"Oo nga pala Mica hanapin mo si Althea kailangan ka niya"

"Kasama niya ngayon si Adrian iniwan niya ulit ako eh"

"Basta hanapin mo na siya ngayon kailangan ka talaga niya wag mo siyang iiwan ha"

Biglang kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko malamang hindi niya naintindihan kaya umalis na ako agad sa harap niya dahil ayoko ng magpaliwanag pa.

Sana makayanan niya.

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon