Chapter 67

3K 41 2
                                    

Chapter Sixty-Seven

**Althea Zara Alvarez**

Pangatlong araw na namin ngayon dito sa Bulacan Resort at kada araw ay sobrang saya kasama sila binabawi talaga namin ang tatlong taon kong nahiwalay sa kanila.

Parang nagsisi tuloy akong umalis noon at iniwan sila maling mali talaga ang naging desisyon ko. Nagdesisyon ako ng hindi man lang pinag isipan ng mabuti.

"Althea come here join us!" sigaw ni Mica habang naglalaro sila ng volleyball.

Agad akong tumakbo para sumali at pumunta sa team nila Mike at Andrew dahil kulang sila kumpara kila Mio, Kervin at Mica.

Ramdam ko ang init galing sa araw pero hindi ko 'yun ininda dahil nag eenjoy ako. Magaling maglaro si Kervin kaya panay sakanila ang score at minsan lang ako makatira dahil natatakot ako sa bola.

"Althea watch out!" Rinig kong sigaw ni Mio kaya agad kong tinira ang bola napangiti ako dahil hindi nila natira kaya sa amin ang score.

"Hindi ko akalaing matitira mo 'yun althea" manghang sabi ni andrew.

"Tyamba" natatawa kong sabi.

Natapos ang laro namin at panalo sina Mio dahil kay kervin. Pansamantala kaming nagpapahinga at nagpupunas ng pawis sa aming cottage.

"Thanks!" sabi ko ng abutan ako ni Mio ng water.

"Let me do this"

Kinuha niya ang hawak kong towel at pinunasan ang aking noo napatingin ako sa kanya na seryoso ang mukha wala ng pawis ang kaniyang mukha ang bilis naman ata niyang magpunas.

"Hindi ka na dapat nagbabad sa araw tignan mo yan masyado kang pinagpawisan"

"Okay lang magpaaraw at pagpawisan basta nag eenjoy" nakangiti kong sabi.

Inipit niya ang aking ilong pero inalis niya naman agad.

"Ang kulit mo talaga"

Sa tingin ko ay namumula na ang aking mukha dahil sa pagngiti at pagtitig niya sa akin kaya iniwas ko ang aking mukha at kinuha ang kaniyang binigay na water atsaka ininom ito.

Narinig kong tumunog ang phone ni Mio pero hindi niya 'yun pinapansin.

"Answer the call baka importante iyan"

Tinignan niya lang ito at pinatay kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.

"Not important" tipid niyang sabi.

Tumango nalang ako bilang sagot ko nakita ko sila Mike na nagpupunta na sa pool sa tingin ko ay magswiswimming na sila apat.

"Do you want to go there? Kung gusto mo ay pwede tayong sumunod sa kanila"

Umiling ako dahil ramdam ko pa rin ang pagod sa aking katawan gusto ko munang magpahinga kahit sandali.

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi dahil ramdam ko nanaman ang mga titig sa akin ni Mio.Gusto kong malaman kung anong iniisip niya.

"Na miss ko talaga ang patitig sayo ng ganito siguro kong di ka umalis natunaw na kita" nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin sa kanya.

"Oo nga sana hindi nalang ako lumayo di nalang sana kita iniwan noon"

Halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat sa aking sinabi kahit nga rin ako ay nagulat sa aking sinabi hindi niya siguro expected ang sinabi ko kaya nginitian ko siya.

"Nakinig nalang sana ako noon sa mga paliwanag mo edi sana hindi tayo nasaktan ng sobra. Masyado kasi akong nag isip ng mali kaya wala na akong pinapakinggan tapos sumama pa ako sa hindi ko kilala hindi ko akalaing magagawa ko yun. Im sorry"

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon